Wikia

Angpanitikan Wiki

Tahanan

Usapan0
1page on
this wiki

Sino si Vladimeir Gonzales?[1]Edit[1]EditEdit

Si Vladimeir "Vlad" Bautista Gonzales ay isang magaling na manunulat ng mga maikling kwento, tula at mga sanaysay. Siya ay nagtuturo ng Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Ang mga akda niyang Intellectual Mass Starvation ay inilimbag na ng National Commission for Culture and the Arts' UBOD series at Dirty Pop Machines Vs. Academia Nuts ng Akdang-Bayan Collective. Nakatanggap siya ng Palanca Award sa kanyang likha na Lunes, Alas Diyes ng Umaga.

Mga tema o paksa ng "Pare, bakla si Jude"[2]EditEdit

==Homosekswal na relasyon[2]Edit==

Pinakita sa kwento ang isang homosekswal na relasyon sa pagitan ni Jude Estrada at Dranreb. Maaaring may lihim na pagtingin din ang narrator sa kanyang kaibigang lalake.

Pang-aasar[3]Edit[3]EditEdit

Makikita sa kwento ang elemento ng pang-aasar na karaniwang naoobserba sa mga kabataan. Umiikot ang pang-aasar sa isyu ng sekswalidad, pisikal na kaanyuan at iba pang mga bagay na maaaring makitaan ng mali o pangit sa paningin ng lipunan o ng taong nang-aasar.

Kulturang Popular[4]Edit[4]EditEdit

Ginamit din ng may-akda ang kulturang popular bilang pangdagdag ng kwela sa kwento. “Nanonood ako ng palabas ni Korina Sanchez (na papalitan ng palabas ni Kris Aquino na papalitan ng palabas nina Boy Abunda at Kristine Bersola na papalitan ng Mexican Telenovela na papalitan ng Tsinovelang pinagbibidahan ng F4, yung Taiwanese na boyband)”

Mga tema o paksa ng "Mahal na Pasyon ni Remington na Nagbibinata"[5]EditEdit

==Pagbibinata[5]Edit==

Pinapakita sa kwento ang karaniwang dinaranas ng isang lalakeng Pilipino na dumadaan sa transisyon ng mula pagiging bata papuntang pagiging binata. Makikita dito ang mga pang-aasar dahil sa pagiging supot ng isang lalaki at ang mga nakasakbit na pangmamalit, maging ang mga miskonsepyong katumbas ng pagbibinata tulad na lamang ng mga ‘dapat gawin’ pagkatapos tuliin.


Buod ng "Press ENTER"[6]EditEdit



Press ENTER[6]Edit[7]EditEdit

Sa loob ng computer lab, itinuturo ng guro ang iba’t ibang mga parte ng computer sa kanyang klase. Ngunit hindi nakikinig ang bida, isang estudyante, at sa halip ay tumingin-tingin na lamang sa kanyang paligid. Nakita niya ang ibang mga guro na masayang kinakalikot ang mga computer sa harap nila at may isang paulit-ulit na sinasabi ang ‘press enter’. Nagtaas ang bida ng kamay at nagtanong sa kanyang guro kung ano ang mangyayari kapag pinindot ang enter ngunit sa halip na bigyan ng maayos na paliwanag ay kinagalitan lamang siya nito.

“Quiet! Sasabog ang mga computer! Bawal magsalita! Bawal pumindot ng kahit

ano! Bawal sumuway sa teacher! Bawal gumalaw! Bawal huminga! Bawal ang lahat

ng hindi sinasabi ng teacher!”, aniya ng teacher.

Sumunod naman ang karamihan at nanahimik na lamang ang lahat maliban sa bida at dahil sa “pagtatakang di pinaunlakan ng pagpapaliwanag”, ito ay “nag-apoy at kumalat” sa kanyang buong katawan, “naging galit ang pagtataka, naging poot” kaya naman pinindot niya ang enter. Sumabog ang lahat ng computer sa paligid niya, maging ang lahat ng tao, ang kanyang eskwelehan at lahat sa kanyang kapaligiran. “Nalunod” siya sa nadiskubreng kamalayan.

Buod ng "Pare, bakla si Jude"[8]EditEdit


Pare, bakla si Jude[7]Edit[9]EditEdit

Bakla daw si Jude, yung anak ni Erap at syota daw nito sa Dranreb, isang lalaking artista na nasa That’s Entertainment dati: ito ang isa sa mga naalala ng bida na pinag-usapan nila ng kanyang kaklase noong 1st year high school pa sila. Naalala din niya ang pang-iinis ng kanyang kaklase sa kanya at sa iba pa nilang mga kaklase. Ngunit matagal na silang hindi nagkikita ng kaklaseng ito hanggang sa pagdating ng araw ng pagsasalubong nila sa SM at pagpapalitan ng numero ng cellphone. Dito nagsimula ang kamustahan at kwentuhan ng nakaraan: “kung anu-ano at kung sinusino, ng mga dating kaklaseng nasa Amerika na, mga dating kaklaseng nabuntis, mga dating kaklaseng nag-asawa, mga dating kaklaseng matatapos na sa kolehiyo.” Nalaman ng bida na may girlfriend na ang kanyang kaklase at ito’y si Elsie. Gusto sanang i-text ng bida na “oo, si Elsie, yung tinatawag mong palaka dati? Yung inaasar mo kasama nina Jude, Jepoy, Trina, kasama ko?” ngunit hindi na niya itinuloy at sa halip ay “nasa TV si Dranreb, yung adik dati, di ba syota niya si Jude, yung bakla dati?” ang nasabi. Hindi na nag-reply ang kanyang kaklase, hindi na rin niya ito nakita simula noon.

Buod ng Mahal na Pasyon ni Remington na Nagbibinata[10]EditEdit

==Mahal na Pasyon ni Remington na Nagbibinata[8]Edit==

Sa unang eksena, nagbuburat ang mga magpipinsan na sina Joey, ang magkapatid na Michael at Angelo, at ang magkapatid na Rex at Remington, ngunit hirap na hirap si Remington dahil sa hapdi nito. Naisipan nilang maglaro na lamang ng basketbol ngunit hindi nakasali si Remington at nanood na lamang sa isang tabi.

Sa pangalawang eksena, nangunguha ng mga prutas ang magpipinsan at biglang nakita ni Rex ang isang maliit na butas sa pader paputa sa compound ni Mr.Lopez na taniman ng iba’t ibang punong namumunga. Pinilit ng magpipinsan si Remington na sumuot sa butas ngunit ayaw nito, pero matapos ang pang-aasar sa kanya na duwag at lampa, napapayag din ang bata. Ngunit pagkapasok ni Remington sa compound, natuklasan niyang iniwan na pala siya ng kanyang kapatid at mga pinsan.

Sa ikatlong eksena, nagsasalsal sa kwarto ang mga magpipinsan nang biglang pumasok ang bagong tuli na si Remington, ngunit sa huli ay lumabas din ito pagkatapos asarin ang pagiging bagong tuli niya. Naisipan niyang sa may bakuran na lamang magpunta at habang nandito, nakita niya ang isang puno ng saging na nagpaala-ala sa kanya ng sinabi ng kanyang tatay at mga tito na “kapag bagong tuli raw ay kailangang itusok sa puno ng saging ang titi para tumibay.” Ginawa niya ito at “kasabay ng kanyang pagsigaw ang paghiyaw at pagtawa ng kanyang kapatid at mga pinsan sa loob ng kuwarto.”

Mga Tauhan ng "Pare, bakla si Jude"[11]EditEdit

*Narrator – inaalala niya ang nakaraang kasama ang kanyang kaklaseng lalake. Hindi mawala sa kanyang isipan ang pagiging bakla ni Jude Estrada at ang relasyon nito kay Dranreb.
  • Kaklase – kaklase ng narrator na maaaring naging matalik din nitong kaibigan.
  • Jude Estrada- anak ni Erap Estrada na nagkarelasyon sa isang lalaking artista. Naging sentro ito ng usapan ng mga tauhan sa kwento.
  • Dranreb – isang lalaking artista na nakarelasyon ni Jude Estrada
  • Jude, Jepoy, Trina – mga naging kaklase ng narrator na inaasar ng kanyang kaibigan
  • Elsie – isa sa mga inaasar ng kaibigan ng narrator na sa huli ay naging syota niya

Mga Tauhan ng "Mahal na Pasyon ni Remington na Nagbibinata"[12]EditEdit


  • Remington – ang bida sa kwento na nagdadaan sa pagbibinata.
  • Rex– kapatid ni Remington na sa halip tulungan ang kapatid ay nakikisama na lamang sa pang-aasar dito
  • Joey, Michael at Angelo – mga pinsan ni Remington na nang-aasar sa kanya sa kwento

Mga Tauhan ng "Press ENTER"[13]EditEdit

*Narrator – Isang estudyante na naghahanap ng kasagutan at kapaliwanagan sa mga bagay na kanyang naoobserba.
  • Unang Guro – ang guro ng bida sa klase niya sa computer. Galit ang kanyang isinagot sa katanungan ng bida.
  • Pangalawang guro – Sa kanya narinig ng bida ang paulit-ulit na ‘press enter’. Bagamat sinabi niya na sasabog ang mga computer, hindi niya binigyan ng maayos na paliwanag ang tanong ng bida at sa halip ay galit din ang isinagot niya dito.

Retrieved from "http://tl.vladimeirgonzales.wikia.com/wiki/Buod_ng_Mahal_na_Pasyon_ni_Remington_na_Nagbibinata"

Si Louie Cano[14]EditEdit

Si Louie Cano ay may akda ng iba't ibang librong naglalaman ng buhay nang pagiging homosekswal. Isinasalaysay niya ng kanyang mga naoobserbahan sa mga lugar na may kinalaman sa buhay bading. Siya ang may akda ng mga librong; "Masculadoll: Mga Sanaysay ng Buhay Bading na [1]Added by LwandermarkHindi Buking", "Brusko Pink: King Kong Barbies at Other Queer Stories", "Pamhinta X: Mga Nagbabagang Sanaysay", "Baklese: Pinoy Pop Queer Dictionary", at "Baklese Dos". Siya ay isang dj sa Magic 89.8.

Ang kanyang mga maiikling kwentong nailimbag sa iba't ibang libro ay maaring nagsasalamin nang kanyang buhay bilang isang homosekswal, base sa kanyang mga naranasan, at maaring siya ang tauhan sa mga isinulat niyang kwento.
































Paksa at Tema nang Thank You for Coming, Sir[15]EditEdit

Tinatalakay ng maikling kwentong ito ang pagnanais nang mga bading na magkaroon nang magandang katawan para mas maging mukhang lalake at hindi mapansing sila ay bading. Maaari ring tinalakay rito ang pagkakaroon ng isang pagtatalik sa loob ng isang gym nang mga homosekwal at pagsasakatupara rin nang stereotype sa mga bading na sexually active.

Buod nang Thank You for Coming, Sir..[16]EditEdit

May isang lalaking nagpapakapagod sa gym para magpaganda ng kanyang katawan at naaliw sa sarili dahil sa naaayon sa kanyang mga kagustuhan ang nangyayare sa kanyang katawan. Matapos ang dalawang oras niyang pagwowork-out, dmako na siya sa kanyang paboritong gawin pagkatapos magpakapagod, ang magshower nang malupet. Gustong gusto niyang naliligo nang matagal pagkatapos magwork-out, gusto niyang nakikitang sobrang liit na lamang nang ivory sa kanyang kamay, tila ba inaantay maubos ang tubig sa gym.

Pagkatapos niyang maligo ay pumunta siya sa men's dressing area, binalutan niya ang kanyang sarili ng twalya. Napansin niyang walang tao rito at nagpasyang, tumapat sa salamin. Itinaas niya ang kanyang twalya gang divdiv, tumingkayad na parang naka heels at kumawaykaway na parang beauty queen. Naisip niya na siya ang nanalo sa Miss Universe sa Swimsuit Competition. May biglang dumating, agad siya umayos ng kilos at ng kanyang gawi. Nakita niya ang isang lalaking nakatapis nang twalya at papunta ng sauna room. Sinundan niya ito at natuwa dahil sa magandang hubog nang katawan nito. Nang makita ng lalaki na sinundan siya ng bida, ngumiti ito at tinanggal ang kanyang twalya. Napangiti ang bida at tinanggal din ang kanyang twalya. Nakatingin lang ang lalaki sa kanyang katawan , tila nagmamasid. Matapos ang ilang minuto, nagtalik ang dalawa. Sinabi nang lalaki na 'malapit na ko', at sinabi naman ng bida na 'i'm coming'. Matapos ang kanilang pagtatalik, bumalik ang bida sa shower room at sinubukang ubusin ang sabob\n. Paglabas nito ay nagulat siya sa kanyang nakita. Ang lalaking kasama niya sa dry sauna ay nabihis ng unipormeng pang fitness instructor sa kanyang gym. Hindi siya makapaniwala, nang lumabas na ang bida, sabi nang lalake, 'thank you for coming, sir' at sinagot ito ng ngiti ng bida.

Tauhan nang Thank You for Coming, Sir..[17]EditEdit

Tagapagsalaysay - isang lalaking nagpapakapagod sa pagpapaganda nang kanyang katawan.

Fitness Instructor - nakipagtalik sa tagapagsalaysay sa sauna room ng gym.

Buod nang Away-Laway[18]EditEdit

Inilahad nang bida ang kanyang mga katangina, sabi niya ay mas maingay siya sa papel kaysa sa personal o aktwal. Mas gusto nyang nakikipagaway sa sulat kaysa sa salitang sinabi niya "away-laway" lang naman. Siya ay isang baklang gustong gusto nang lahat sa kanyang pinagtatrabahuhang istasyon nang radyo. Ngunit may isang dj na tinawag sa pangalang Little Phooey ang nagiisang hindi pumapansin sa kanya. Napagtanto ng bida na pumapalo ang kanyang 'gaydar' sa dj na ito. Iniisip niyang bakla rin ito dahil sa kanyang kutis, kilos, at gawi. Maputi ang dj na ito na labis niyang kinaiinisan dahil sa malaking distansyang nasa gitna nila. Nalaman niya na ang dj na ito ay may asawa na pala, ngunit para sa bida, siya talaga ay isang bakla at nagtatago lang sa kanyang kloseta. Dahil sa kanilang distansya nung dj, naisip niyang ironic ang dj na iyon dahil siya ay klosetang bakla at homophobic pa, parang kinatatakutan niya ang sarili niya.

Isang araw, naabutan niya ang dj na nakikipagusap sa technician sa kanilang trabaho. Sila ay nagtatawanan aat kinukutya ang mga bading. Ikinainis ito nang bida dahil mas nilakasan pa nito ang kanyang pagtawa nang dumating siya.

Kinagabihan, nakasabay ng bida ang dj sa elevator. Silang dalawa lang ang nasa loob nito,. Asiwang asiwa ang mukha ng dj. naisip ng bida na hindi nga palapwedeng magsama ang dalawang tao sa dyosa sa loob ng maliit na espasyo. Nakapinta sa kanilang mga mukha ang hindi pagiging komportable sa elevator. NAng huminto na ang elevator, nagiwan ng usok ang bida sa labis nitong inis. Ipinaamoy niya sa dj ang kabag niya sa pagdamag. Naramdaman niya ang pagkapanalo sa nangyare at sinabing 'ready na ako for round 2.'

Tauhan nang Away-Laway[19]EditEdit

Tagapagsalaysay - isang baklang manunulat na mas maingay sa papel kaysa sa personal, maikli ang pasensya at magalitin.

Little Phooey - dj nang isang istasyon sa radyo na nanligaw sa galit nang tagapagsalaysay.


Louiecano Wiki [20]EditEdit

Louiecano Wiki Navigation[21]EditEdit

Random Page Wiki ActivityWatchlist Recent changes *0 Comments

Paksa at Tema nang Away -Laway[22]EditEdit

Tinatalakay nang maikling kwento ang pagtanggap ng isang lipunan sa homosekswalidad at ang pagkakaroon ng mga homophobic o mga taong hindi tanggap ang ikatlong uri nang sekswalidad. Dahil sa homophobia, nagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan ang isang bading at isang isang homophobic. Tinatalakay rin nito ang isang sitwasyong nakukutya ang mga homosekswal sa kanilang trabaho, hindi man ng lahat ngunit ng iilan, dahil sa kanilang identidad.

Buod nang Masculadoll[23]EditEdit

Sa isang gym, nagiisip ng mga bagay na maaring isulat ang bida. Inilalaba niya ang kanyang mga creative juices na maaring ilabas sa kanya. Habang nagiisip, naalala niya ang kanyang ex na 'HeWhoShallNotBeNamed' para sa kanya. Dahil ito sa labis niyang pagmamahal rito. Naisipan Niyang magsulat nang kwentong ukol sa pagibig, ngunit naisip niyang hindi ito maganda at nakakabaog. Naisip niya rin ang mga bagay na ginawa niya pagkatapos ng paghihiwalay nila nang kanyang ex. Limang araw mula nang sila ay maghiwalay ay lagi siyang 'humahada', 'bumubuking', 'nagpapasaya ng mga matatandang bakla', 'pumapatol sa mga batang bakla', 'nakikipaglaro sa sauna nang gym', sa kabuuan, nakikipagtalik kung kani-kanino.

May isang lalaking kumalabit sa kanya sa gym at sinabing magkita sila sa shower room nang gym mamaya, ngunit hindi ito pinansin nang bida bagkus ay pinalitan lang nang isang tinging nagsasabing 'bukas na lang, busy ako', pero sa katotohanan ay ayaw nyang makipagtalik sa isang lalaking pawis na pawis at makatikim nang alagang lasang chippy.

May narinig syang tumatawa malapit sa kanya, nang makita niya ang maskuladong lalaki ay nakita niyang binabasa nito ang kanyang mga nasulat na libro. Nagkaroon sila ng maikling paguusap at inaya nang lalaki ang bida na kumain at libre niya. Sinuklian niya ito nang isang ngiti at naisip na "tama nga si ate vi - para akong karinderyang bukas sa lahat.'

Nagtalik na ang bida at ang lalake sa sauna room. Isinalaysay nang bida ang mga nangyayare sa kanila. Naisipan niyang para siyang nasa langit dahil sa mausok na epekto nang sauna room at sarap na kanyang nararamdaman. Pagkatapos nang kanilang pagtatalik, naisip niyang "kahit sa langit pala ay may Chippy rin."

Tauhan sa Masculadoll[24]EditEdit

Tagapagsalaysay - isang writer na nagiisip ng mga isusulat sa kanyang ssunod na libro sa isang gym habang nagwowork-out.

Lalakeng nakilalasa Gym - nakilala nang tagapagsalaysay sa gym, nahuli nang tagapagsalaysay na nagbabasa nang kanyang mga akdang libro.



Mamang Kalabit - kumalabit sa tagapagsalaysay at nagayang makipagtalik sa shower room nang gym.

Paksa at Tema nang Masculadoll[25]EditEdit

Ang maikling kwento ay nagtatalakay nang isang parte nang buhay nang isang homosekswal, partikular sa mga bading o mga bakla. Maaring ito ay pagsasakatuparan ng isang stereotype sa mga homosekswal na sexually active. Tinatalakay rin nito ang mga ganapan sa isang gym na hindi kadalasang napapansin nang marami.

Retrieved from "http://louiecano.wikia.com/wiki/Tauhan_sa_Masculadoll"Retrieved from "http://louiecano.wikia.com/wiki/Buod_nang_Away-Laway"

Talambuhay ni Marcel M. Navarra[26]EditEdit

Tubong Tuyom, isang baryo sa Carcar, Timog Cebu si Marcel M. Navarra na ipinanganak noong Hunyo 2, 1914. Sa lugar dinng ito siya lumaki at yumao noong Marso 28, 1984. Bukod sa pagiging manunulat, nagsilbi rin siya sa patnugutan ng iba't ibang magasin. Ilan lamang sa mga posisyong kanyang nahawakan ay: bilang patnugot pampanitikan ng Bisaya (1938-1941), Lamdag (1947); at bilang katulong na patnugot ng Bulak (1948-1952). Binansagan si Navarra na "Hemingway sa Binisaya" ng iba pang manunulat na Cebuano. Ilan sa kanyang mga isinulat: "Apasumpay" (Pahabol), "Ug Gianod Ako…" (At Ako’y Inanod…), "Ang Pahigmata "(Ang Pagkamulat),at "Si Manang Merin ug ang Kasing" ( Si Manang Merin at ang Turumpo). Sa panahon ng digmaan, bagama't unti-unting iniwan ni Navarra ang pagsusulat at nagsimula nang bumuo ng pamilya, naging aktibo naman siya sa pagtatatag ng LUDABI (Lubas sa Dagang Bisaya, o pinakapuso ng kahoy ng panulat sa Bisaya).

Mga Paksa sa "Si Manang Mering at Ang Turumpo"[27]EditEdit

Ipinakita sa kwentong ito kung paano itinuturing na inosente ang mga bata sa lipunan-- na sa mata ng lipunan ay pawang mga musmos pa sila na walang malay sa mundo.Nakita ko rin ang anggulo ng "blackmail"-- kung paano ginamit ng misteryosong lalaki ang "pag-ibig daw" ni Merin sa kanya upang makuha ang hinihingi nito na ayaw ibigay ng dalaga noong una.

Mga Tauhan sa "Si Manang Merin at Ang Turumpo"[28]EditEdit

Nangunguna sa mga tauhan ang magkaibigang sina Dong at Arsenio. Nariyan din si Manang Merin (ang ate ni Dong) at ang misteryosong taong naghanap kay Manang Mering.

Buod ng "Si Manang Merin at Ang Turumpo"[29]EditEdit

Habang naglalaro ng turumpo ang magkaibigang sina Dong at Arsenio ay may taong (hindi pinangalanan) ang lumapit kay Dong at naghanap sa kanyang ate. Dinala niya ito sa kanyang ate at bumalik ang magkaibigan sa paglalaro. Maya-maya pa'y naisipan ni Arseniong maglamaw (kinayod na buko na hinaluan ng sariling katas, asukal, at kung minsan pa ay gatas). Nagpresenta si Dong na pumanhik sa bahay upang kumuha ng asukal na kakailanganin nila sa lamaw, nagtaka siya kung nasaan ang kanyang Manang Merin nang marinig niyang magsalita ito. Natukso siyang makinig sa usapan at sa kalauna'y sumilip sa butas ng dingding. Sa buong pag-uusap ng kanyang manang at ng taong naghahanap dito ay narinig niyang may isang bagay na hinihingi ang tao (na isang lalaki) sa kanyang manang ngunit ayaw ibigay nito. Pagbalik kay Arsenio ay naikwento ni Dong ang kanyang narinig at bumalik ang dalawa sa kwarto at sabay na sumilip sa butas ng dingding. Nang sabihin ni Arseniong umiiyak si Manang Merin, pinuntahan ito ng dalawa at tinanong ang dahilan ng pag-iyak nito ngunit sinabi ng manang na binalitaan lamang daw siya ng lalaki na namatay na ang kanilang kaibigan

Mga Paksa sa "Ang Pagkamulat"[30]EditEdit

Ipinakita sa kwento kung paanong ang lalaki ay mas malakas sa babae, halimbawa na lamang nang banggitin na ang kalabaw ni Arsenio ay babae-- na tila ba nagpapahiwatig na "alipin" lamang ng mga lalaki ang mga babae. Sa pagtutuos nina Arsenio at Tekya ay nagsukatan rin ng lakas (literal) ang dalawang seks. Tila tinutuya rin sa kwento ang "pagkalalaki" ng isang lalaki-- nakita natin ito nang sabihang "duwag" ni Arsenio si Lino nang ayaw nitong pakawalan ang mga kalabaw nila sa kamagayan ni Simon sa takot na mahuli.

Mga Tauhan sa "Ang Pagkamulat"[31]EditEdit

Umiikot ang kwentong ito sa magkaibigang Lino at Arsenio. Nariyan rin si Tekya (ang babaeng nagbabalang magsusumbong kay Simon kapag nagpastol ang magkaibigan sa kamagayan nito), Simon (ang may-ari ng kamagayan), at Gavino (ang may-ari ng lupang pinagtatamnan ng mga puno ng sineguelas).

Buod ng "Ang Pagkamulat"[32]EditEdit

Magkaibigan at kapwa namamastol ng kalabaw sina Diyak Lino at Diyak Arsenio. Isang araw ay naisipan nilang pakawalan ang kanilang mga kalabaw sa kamagayan nina Simon at Amon ngunit nagbabala si Diyak Lino na nagbabala raw sa kanya si Tekya na magsusumbong ito kapag pinakawalan ang kanilang mga kalabaw sa bakuran nina Simon. Sa bandang huli ay nakumbinsi rin si Lino sa balak ni Arsenio at naisipan naman ng huli na mamitas sila ng sineguelas kina Gavino. Habang namimitas ng sineguelas ay narinig nila ang tila nag-eeskandalong boses ni Tekya kung kaya't hinarap ito ni Arsenio at siya'y nakipag-dwelo. Napabagsak ito ni Tekya at sunod namang hinarap si Lino. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi sinasadyang mahawakan ni Lino ang kaliwang dibdib ng babae at naramdaman niyang hindi ito tumutol. Lumipas pa ang ilang sandali (na hindi diretsahang sinabi kung ano ang nangyari kina Lino at Tekya) at nagising na lamang si Lino sa boses ni Tekya na nagsasabing, "... hindi ako magsusumbong kay Simon na nagpastol kayo sa kanyang kamagayan."

Mga Paksa sa "Pahabol"[33]EditEdit

Tinalakay sa kwentong ito ang wagas na pag-ibig at ang papel na ginagampanan ng pagkakaiba ng estado sa lipunan sa usapin ng pag-ibig (at kung paano nakaaapekto ang "class differences" na ito). Tinalakay rin ang pagsunod ng anak sa magulang kahit pa ang kapalit nito ay pagtalikod sa minamahal.

Mga Tauhan sa "Pahabol"[34]EditEdit

Ang kwentong ito ay umiikot sa nagmamahalang sina Fe at Raul nariyan rin sina Iyo Mino at Iya Silya (mga magulang ni Fe); Joe, Lou, Tiroy, Andoy, Porto at Ranudo (mga kaibigan nina Raul at Fe); at Inday, Ester, Mira at Glenda (mga babaeng nakilala ni Raul nang malayo siya kay Fe).

Buod ng "Pahabol"[35]EditEdit

Sa hindi malinaw na kadahilanan ay hindi matanggap ni Iyo Mino si Raul para kanyang anak na si Fe. Dahil dito, masakit man ay napilitang lumayo ang binata sa kanyang sinisinta. Makaraan ang dalawang taon ay nakatanggap ng lihan si Raul mula kay Fe na nagpapahiwatig ng pagnanais nito na muli silang nagkita, at dahil dito ay muling umuwi ang binata sa kanilang bayan at lihim nilang itinakda ang kanilang pag-uusap. Habang nag-iisa si Fe sa kanilang bahay ay napagpasyahan ng dalawa na doon mag-usap. Mula sa pag-uusap na ito, nabanggit ni Fe na marami ang 'nag-uudyok' sa kanya na piliin si Max dahil sa karangyaang maibibigay nito sa kanya. Habang nag-uusap sina Fe at Raul ay biglang sumulpot ang ama ni Fe sa kanilang harapan at sinaktan si Raul. Nakalimot ang binata at nasaksak niya ng lanseta ang matanda.

Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Marcel_navarro"==Wikia[36]Edit== Lamberto "Bert" B. Cabual WikiAdd a photo==Maikling Talambuhay ni Lamberto "Bert" B. Cabual[1]Edit== Si Lamberto “Bert” B. Cabual ay tubong Pallocan Kanluran, Batangas. Bago lumuwas ng Pilipinas papuntang Inglatera, nagsilbing guro at tagapagbalita si Cabual. Habang nasa London, awtor si Cabual ng “Pangingibang-Lupa,” isang aklat mga tula na inilathala ng mga miyembro ng Commission for Filipino Migrant Workers (CFMW) at nagsilbing pangalawang-pangulo ng Ugnayan ng mga Manunulat na Pilipino sa United Kingdom (UMPUK). Binigyang-buhay niya ang iba’t-ibang gawaing pangwika, tulad ng Balagtasan, sa London sa pamamagitan ng paganap, pagsulat at pangangasiwa sa ilang Balagtasan. Mayroon ding mga inambag na tulang parangal si Cabual sa mga patimpalak ng kagandahan tulad ng Binibining Pilipinas UK. Sa kasalukuyan, si Bert Cabual ay isang retiradong Postal Officer ng Royal Mail sa London.

Mga Tema at Paksa: Subyang sa Puso[37]EditEdit

Category page[38]EditEdit

  • Lihim na Pag-ibig: Sa kabila ng nararamdamang pagmamahal, mayroong pag-ibig na kailangan iwaglit dahil sa mga iba’t-ibang kalagayan katulad ng relihiyon, kasalukuyang mga relasyon, edad, at katayiuan sa buhay. Sa kwento, kailangan kalimutan ni Elena ang nararamdamang pagmamahal kay Fidel dahil sa pangako niya na magsilbing madre.

  • Bayanihan/Kababayan: Hindi naniniwala si Fidel na obligasyon niyang tulungan ang mga kababayan niyang naninirahan sa London. Sinubukang hikayatin ni Elena na tumulong si Fidel sa mga Pilipino at matapos ang isang aksidente, nagawa din ni Fidel ang makatulong.

Mga Tauhan: Subyang sa Puso[39]EditEdit

Category page[40]EditEdit

Fidel: Isang mayamang Pilipinong namamahala sa isang import-export enterprise sa London. Napamahal siya sa isang madre at ang damdaming ito ay umunlad habang siya ay tumutulong sa mga kababayan niya sa London.

  • Elena: Isang madreng nakilala ni Fidel at kanyang nagpag-alaman na kababayan niya din. Namuo din ang pagmamahal niya kay Fidel ngunit ito’y kanyang isinang-tabi dahil sa kanyang debosyon sa Panginoon.

B. Cabual Wiki [41]EditEdit

Lamberto "Bert" B. Cabual Wiki Navigation[42]EditEdit

Random Page Wiki ActivityWatchlist Recent changes *0 Talk

Buod: Subyang sa Puso[43]EditEdit

Category page[44]EditEdit

Sa loob ng tren nagkakilala ang dalawang Pilipinong sina Elena at Fidel at magkasama din silang nalagay sa panganib dahil sila’y naipit sa loob ng gusaling nasusunog. Sa kabutihang palad, silang dalawa’y nakaligtas bagama’t nawalan ng malay si Elena. Inalok ni Fidel na iuwi si Elena sa kanyang tinitirhan ngunit si Elena’y tumanggi ngunit ibinigay niya ang address niya kay Fidel upang makabisita naming ito sa kanila. Hindi mawala sa isipan ni Fidel si Elena at nagsimula ang pagmamahal niya sa bagong nakilala ngunit sa pagbisita niya kay Elena nalaman niya na ang kanyang minamahal ay isang madre na pala.

Sa kabila ng yaman ni Fidel, hindi siya naniniwala na obligasyon niya na tulungan niya ang mga kababayan niya sa London. Napalitan ang pananaw nito ni Fidel matapos ang isang aksidente at mula nito nagsimula na siyang magsilbi sa mga kababayan niya. Dahil sa pagtulong niya napalapit lalo ang loob niya kay Elena at naramdaman din ni Elena ang pagmamahal ni Fidel sa kanya pati na ang pagmamahal niya kay Fidel ngunit nang lumipas ang ilang taon, natapos ang misyon ni Elena at siya ay na-destino sa Roma. Dahil dito, kinalangang mawalay si Elena kay Fidel nang natuto sa lihim na pag-ibig at itong bagay na ito ay lubusang ikinalungkot ni Fidel.

Mga Tema at Paksa: Isang Libo’t Isang Halik[45]EditEdit

Category page[46]EditEdit

Hiwalayan/Diborsiyo: Dahil sa naranasang awayan, naisipan ni Dupong na hiwalayan si Takya. Dumaan sa isipan ni Dupong na ang paghihiwalay kay Takya ay solusyon sa suliranin niya.

  • Pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki: Ayon kay Dupong, pinagagawa siya ng mga gawaing bahay ni Takya na nakatakda na gawin ng babae. Ito ay hindi nagustuhan ni Takya sapagkat nararamdaman niya na pinagagawa niya kay Dupong ang mga gawaing ito dahil siya ay pagod.
  • Pagkakaroon ng anak bilang tanda ng magandang pagsasama ng mag-asawa: Itinaas ang isyu ng kawalan ng anak ang dahilan ng di matiwasay na pagsasama ni Dupong at Takya. Ngunit ayon kay Dupong, hindi ito ang pinanggalingan ng pagaaway nilang mag-asawa.

Mga Tauhan: Isang Libo’t Isang Halik[47]EditEdit

Category page[48]EditEdit

Dupong: Si Dupong ay ang makisisig na asawa ni Takya na lubusang sinusubukan magtimpi sa pang-aagrabiyado ng kanyang asawa. Napapakita niya ang lubusang pagmamahal sa kanyang asawa kahit na napagbubuntuan ito ng galit ni Takya.

  • Takya: Si Takya ang magandang kabiyak ni Dupong na madalas ang pagkabungangera sa kanyang asawa. Mapagaalaman ng kanyang kumare na ang kanyang pakikitungo sa kanyang asawa ay siyang nakasanayan niya ngunit nanatili pa rin ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.
  • Kulas: Si Kulas ang kumpare at katapatang-loob ni Dupong. Sa kanya humingi ng payo si Dupong tungkol sa suliranin niya sa kanyang asawa na si Takya.

  • Anding: Si Anding ang asawa ni Kulas at kumare ni Takya. Nang narinig ni Andin gang paguusap ng kanyang asawa at si Dupong, ito ay ipinagbigay alam niya sa kanyang kumareng si Takya.

[3]“' Add a photo Maikling Talambuhay ni Lamberto "Bert" B. Cabual Si Lamberto “Bert” B. Cabual ay tubonLamberto "Bert" B.

Mga Tema at Paksa: Mayo at Disyembre[49]EditEdit

Category page[50]EditEdit

Pagbuo ng relasyong pinagbabawal: Si Leo ay apatnapung taong gulang na guro ni Bheng, na siyang labing-anim na taong gulang lamang at ayon sa lipunan ngayon hindi ito nararapat na panggalingan ng isang relasyong romantiko.

  • Kawalan ng kakayahan na magkaroon ng anak: Dahil sa kawalan ng kakahayan na magkaroon ng anak at sa kalungkutang dala nito, humina ang samahan ng mag-asawang Leo at Helen. Ito’y maaring dahilan sa pandaraya na ginawa ni Leo sa kanyang asawa.

Mga Tauhan: Mayo at Disyembre[51]EditEdit

Category page[52]EditEdit

Bheng: Si Bheng ay isang maganda at matalinong labing-anim na taong gulang na estudyante ni Leo. Sa isang pag-uusap sa plaza, isinaad niya ang kanyang pagmamahal sa nakatatandang guro.

  • Leo: Si Leo ay isang apatnapung taong gulang na guro ni Bheng. Ang isinaad na pagmamahal sa kanya ng kanyang nakababatang estudyanteng si Bheng ay kanyang paunang pinipigilan sapagkat magkalayo ang kanilang kasalukuyang katayuan sa buhay.
  • Helen: Si Helen ang asawa ni Leo na siyang nakahuli sa pandaraya ni Leo sa kanya. Lubos ang pagkagalit ni Helen sa nakita at sinabi sa asawa na sila ay magtutuos sa bahay.

Yakap:Tema At Paksa[53]EditEdit

Redirected from Mga Tema At Paksa[54]EditEdit

Kung susuriing mabuti ang kwento makikita natin ang tema at paksa na nais iparating sa atin ng may akda ay ang mga sumusunod:
  1. Pagpupursigi sa pag-aaral - makikita natin sa pagkakalarawan kay Pen na lagi itong pagod at puyat dahil sa mga kinakailangang gawain at dapat tapusin sa klase. Kadalasan sa mga ito ang mga dulang pinagpupuyatan niya at ipinaggugulan niya ng panahon kaya naman hindi na nakakapagtaka ang mga tropeyong natanggap niya.
  2. Matutong alamin kung ano ang biro sa hindi - marapat lamang na huwag agad tayong maghusga kung anu ba talaga nag nais iparating sa ating ng biro o kalokohan na ginawa sa atin. Isipin na hindi dapat nagpapadala lamang sa kung anu yung iniisaip natin kundi pati na rin sa kung anu ang iniisip ng iba.
  3. Maging sensitibo sa ating mga ginagawa, huwag hayaan na puro damdamin lamang - malinaw na isinasabi na kinakailangang gamitin din natin ang ating isipan upang malaman ang ating mga ginagawa sa ating kapwa. isaalang-alang dapat nating kung anu ang epekto nito sa ibang taong ginawan natin ng isang bagay.

Yakap:Buod[55]EditEdit

Redirected from Ang Buod[56]EditEdit

Sinimulan ang kwento sa pagkakaibigan nina Pen, isang makata at mahilig sa mga gawaing pagsasadula at nakatira sa dormitoryo, at si Noel na mayroong lihim na pagtingin kay Pen ngunit hindi nito masabi sa kadahilanang galit si Pen sa mga bading. Napatindi ang pagkagusto ni Noel kay Pen nangyayain ito na matulog sa kanyang dormitoryo upang magpatulong sa dulang tinatapos ni Pen. Ngunit nang sila ay matutulog na ay hindi mapakali si Noel habang katabi si Pen at niyakap niya ito bigla na umaasang masasabi na niya ang kanyang nararamdaman. Biglang napaalis si Pen sa kwarto at nagusap sila ni Noel sa labas ng dormitoryo. Ang matinding pagkagusto ni Noel kay Pen ay nagsimula sa pabirong ginawa ni Pen na hawakan ang kanyang ari kaya naman ganun na lamang ang pagkadismaya ni Noel sa nalaman niya. Iyon na nga ang una at huling yakap niya kay Pen at hindi na sila nagkausap pa.

Yakap:Tauhan[57]EditEdit

Redirected from Mga Tauhan[58]EditEdit

Ang kwentong "Yakap" ay binubuo lamang ng dalawang karakter na sina:
  • Pen - isa sa mga mag-aaral sa kanilang paaralan na magaling tumula at nakatanggap na ng mga papuri at pagkapanalo sa kwento. Siya rin ang napupusuan ng kanyang kamag-aral na si Noel na isang bading.
  • Noel - mayroong matinding pagnanais kay Pen na isa niyang kamag-aral at kaibigan. Mahilig niyang pagpantasyahan si Pen ngunit nabigo lamang ng aminin niyang bading siya at mayroon siyang gusto rito sapagkat ayaw ni Pen ng mga bading.

BUOD[59]EditEdit

Ang kwentong "Komunikasyon" ay napuno nang tila mga pag-uusap na dalawang karakter sa telepono, sulatan at paglalagay ng mga 'notes', at kung anu bang paraan ng komunikasyon. Sinimulan ito sa paguusap ni Weng at ng kanyang ina patungkol sa relasyon ni Weng sa kanyang kamag-aral na si Miguel na parehong bakla. halatang-halata sa ina ang laging pagaalala sa kalagayan at sa kapakanan ng kanyang anak sa kinabukasan. Laging ipinagdarasal ng kanyang magulang na masira ang relasyon ni Weng at ni Miguel upang maging masaya at tama ang mga mangyayari sa kanyang anak. Ngunit ipinaglalaban pa rin ni Weng ang kanyang pagmamahal kay Miguel kahit na minsan ay nag-aaway sila dahil sa pagseselos nito sa dating kasintahan ni Miguel na si Ronnie. Malakas pa rin ang pagmamahal niya kay Ronnie at hindi ito natinag ng pagseselos at ng kanyang ina kahit ang tanging paraan lamang na kanilang komunikasyon ay sa telepono dahil sa layo nila sa isa't isa at sa ayaw ng ina ni Weng. Masasaksihan na ang pag-ibig ay kinakailangan ng magandang komunikasyon upang maging progresibo.

TEMA AT PAKSA[60]EditEdit

Makikitaan sa kwento ang iba'i ibang aspeto ng pag-ibig sa buhay at ang mga katotohanan sa mundo. Ilan sa mga paksa at temang napansin ay ang mga:
  1. Pagmamahal ng magulang sa anak - ipinakita riot ang matinding pagmamahal ng ina ni Weng sakanya at ang pagalala niya sa kanyang anak sa pagpasok sa ganitong sitwasyon ng relasyon. Mapapansin din natin dito ang lubos na pagpapayo nito sa kanyang anak at hindi natin makikitaan ng bahid na ayaw niyang mapariwa ang kanyang anak kinalaunan.
  2. Pagmamahal sa nobyo/nobya - masasabing walang nararapat na basihan ng pagmamahal na dapat lalaki at babae lamang ang gumawa ng ganun. Ipinapahiwatig din ng kwentong ito na ang pag-ibig ay walang pinipiling taao, kapag natamaan ka nito ay dapt na ipaglaban mo ito ng tama.
  3. Pagseselos - isa na rin ito sa mga kadalasang dahilan ng pagseselos ngunit dito sa kwento sabay nilang nina Weng at Miguel labanan ang ganitong suliranin upang kung sa gayon ay maging produktibo ang kanilang pagsasama.
  4. Pagkakaibigan - hindi nga maikukubli ang nabuong pagkakaibigan nina Weng, Fay, at Milo na maging ang kani-kanilang buhay ay kanilang inaalam at tinutulungan upang maging maayos. Pinakita rin ang kahalagahan ng mga kaibigan sa gitna ng mga problema at unos sa buhay.
  5. Komunikasyon bilang napakahalagang bagay ng isang relasyon - binigyang importansya ng kwentong kwento na isa sa mahalagang aspeto sa buhay ang komunikasyon upang magkaroon ng magandang samahan sa relasyon sa pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay. Isaisip sana natin na ang pagkakaroon ng komunikasyon ay napakahalaga sa buhhay.

TAUHAN[61]EditEdit

Binubuo ang kwento ng mga tauhanh ito:
  • Weng - pangunahing karakter sa kwento na katatapos lamang ng pag-aaral sa kolehiyo at hinihintay na lamang ang graduation at mayroong matinding pagmamahal sa kanyang kasintahan na si Miguel. Ngunit hindi ito naging madali dahil sa pagtututol ngg kanyang ina sa gusto ng kanyang damdamin at pilit itong binabago
  • Mommy - ina ni Weng na isa sa mga matinding nakaalitan niya sa dahilan ng kanyang pagkatao at pagalala sa kalagayan ng kanyang anak sa darating na panahon. marami rin itong koneksyon sa mga kaibigan ni Weng at mahilig usisain ang mga pangyayari sa buhay ng kanyang anak
  • Miguel - ang kasintahan ng pangunahing tauhan kung saan malaki ang binibigay na importansya nito sa kanya. Nakaalitan niya rin ang kanyang kasintahan dahil sa pagseselos ni Weng sa dating napupusuun ni Miguel na si Ronnie.
  • Fay - kaibigan ni Weng na naging kausap niya matapos niyang akalain na ayos na sila ng kanyang ina. nagkwento rin kay Weng tungkol sa pang-uusisa ng ina nito sa tunay na kalagayan ng kanyang kaibigan at ng relasyong namamagitan sa kanila ni Miguel
  • Milo - kaibigan ni Weng kung saan naibuhos ni Weng ang kanyang mga nararamdaman at sakit ng loob sa telopono. Ipinarinig rin sa kanya ang mga tulang ginawa ni Weng na sumisimbolo sa kanyang damdamin.
  • =Buod=
  • Edit

Redirected from Buod ng "Ang H.P. at si Danny"[62]EditEdit

Ang kwentong ito ay umiikot sa mag-aaral na si Nigel kasama na ang kanyang kamag-aral na si Tom na parehong miyembro ng Kamalayan, isang literary magazine ng kanilang paaralan. Nagsimula ang takbo ng kwento ng yayain ni Tom si Nigel upang pumunta sa Harizon Plaza (H.P.) upang humanap at makatikim ng konting ligaya sa mundo. Matagal na itong ginagawa ni Tom at si Nigel naman ay baguhan lamang kaya nagdadalawang isip pa ito. Iniwan ni Tom si Nigel at dito niya nakilala si Eric, hindi niya tunay na pangalan, at nagkwentuhan. Nagpakilala si Nigel bilang si Danny dala na siguro sa kaba niya ng makilala si Eric kaya naman hindi niya masyadong pinagtuunan ang kanilang paguusap. Naulit ang pagkikita nila sa H.P. dahil na rin sa pagnanais ni Danny na makita at masubukan ulit ang ginawa niya noong isang araw, hanngang sa si Eric at si Danny ay natuloy sa pagtatalik sa lugar na nirentahan ni Eric malapit sa H.P. Pagkatapos noon ay sinumpa na ni Danny/Nigel na hindi na iyon mauulit, ngunit tila gusto talaga ng kanyang puso ang nangyari at napagdesisyunan nga niyang magiging si Danny ito sa H.P. at hindi bilang si Nigel.

Tauhan[63]EditEdit

Redirected from Tauhan ng "Ang H.P. at si Danny"[64]EditEdit

Ang mga bumubuo sa kwento ay sina:
  • Nigel - Mag-aaral at miyembro ng Kamalayan, literary magazine ng kanilang paaralan na nakatikim ng isang makamundong kaligayan sa piling ng isang "call boy". Naging alyas Danny sa tuwing pinapasok na ang ganitong pangyayayri.
  • Tom - kaibigan ni Nigel at miembro rin ng Kamalayan. Siya ang nagdala kay Nigel sa H.P. (Harizon Plaza) at naging dahilan kung bakit nahumaling si Nigel sa ganitong gawain.
  • Eric - isa sa mga laging pumupunta upang ma-"pick-up" ng kung sunumang nangangailangan ng konting kaligayahan. Naging kostumer niya si Danny sa H.P. at ang kanyang tunay na pangalan ay Tony.

Tema at Paksa[65]EditEdit

Binubuo ang kwentong ito ng mga tema at paksa kung saan makikita natin ito kung susuriin ng mabuti. taulad na lamang ng mga ito:
  1. karaniwang katangian ng mga homosexuals - makikita sa karakter ni Tom na isa siyang hindi palaimik na mag-aaral maliban na lamang sa kanyang mga kauri o kaparehong bading tulad na nga ni nigel. Masasabing hindi lahat ng mga bading ay bokal o kaya'y ipagmalaki kundi karamihan sa mga ito'y nahihiya at takot sa mga maaring mangyari sakanila kapag naglantad sila.
  2. prostitusyon - dito umiikot ang kwento at ito ang nagsasabi sa pangkalahatan ng kwento - ang pagbebenta ng laban upang makatikim ng panandaliang aliw o 'di kaya'y upang pagkakitaan. Ang ganitong gawain ay hindi lamang gabi bagkus ay maari sa hapon ayon sa kwento.
  3. pagtingin sa estado sa buhay - ipinapakita sa kwento rito na hindi lahat dito sa Pilipinas ay iisa lamang ang antas lalo na sa unibersidad na pinag-aaralan. Masasabing nag-aaral ka nga sa isang prestihiyoso at mamahaling paaralan ngunit hindi ibig sabihin ay mayaman ka na, marahil ay maraming paraan ang nakatulong upang sa ganoong paaralan ka nakapag-aral.
  4. pagkasira ng isipan sa murang edad - ayon sa kwento, karamihan sa mga nasa H.P. kung saan nagaganap ang bentahan ng laman ay mga mag-aaral na naka-uniporme pa. Hindi lamang sa pagpasok sa makamundong kaligayahan ang ginagawa ng mga estudyante kundi pati na rin ang hindi pagpasok sa kanilang paaralan.

Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Earlwin_tan_navarro"=Farut Biography[66]Edit=

Name: Farut Barbakusi

Araw ng kapanganakan: N/A

Edad: N/A

Lokasyon: Philippines

Industriya: Technology

Kasarian: Male

Civil Status: Single

Paboritong Libro: Jurassic Park

Paboritong Tugtugin: OPM music

Paboritong Palabas: Star Wars I - VI

Hobbies: Watching Movies, Playing Video Gamesyour article here!

Bagong Xperience (Samantha) Tauhan[67]EditEdit

Samantha Belfiaro - Isang 24 taog gulang na guro na nagkaroon ng anak sa kanyang estudyante kahit na meron itong ibang kasintahan. Namatay ang kanyang kasintahan at ang ama ng kanyang anak dahil pinatay ito ng kasintahan ng kanyang estudyante.

Jun Gomez - Kasintahan ni Samantha Belfiaro. Pinatay ng 'di sadya ng kasintahan ng kalaguyo ni Samantha.

Rita Dimaano - Malibog at matalik na kaibigan ni Samantha Belfiaro at nagkaroon ng anak sa kasintahan ni Samantha na siyang nagdulot ng malaking problema sa kanilang magkakaibigan.


Wency Dimaano - Asawa ni Rita Dimaano na kaibigan rin ni Samantha at Jun. Nakipagtalik sa kanyang kapit-bahay at nagkaroon ng anak ngunit hindi na niya ito nalaman.


Marvin - Malibog na estudyante at madalas na katalik ni Samantha Belfiaro. Ama ng anak ni Samantha.


Norma - Seksi at magandang kapit-bahay nila Rita at Wency. Ina ng anak na bunga ng lihim na pagtatalik nila ni Wency.


Cindy - Kasintahan ni Marvin na siyang pumatay kay Marvin at sa asawa ni Samantha Belfiaro.

Bagong Xperience (Samantha) Buod[68]EditEdit

Si Samantha Belfiaro ay isang guro sa isang sekundaryang paaralan at siya may may kasintahan na ang pangalan ay Jun Gomez. Matalik na kaibigan ni Samantha at Jun ang mag-asawang si Rita at Wency Dimaano. Napasok sa isang magulong sitwasyon ang magkakaibigan kung saan naaya ng mag-asawang Rita at Wency ang magkasintahang Samantha at Jun sa isang Group Sex na nagbigay daan upang magkaroon ng kakaibang nararamdaman si Rita kay Jun. Matapos ng pangyayaring iyon ay nagtalik si Jun at Rita at nagbunga ito na siyang pinoproblema na magkakaibigan.Si Samantha naman ay may lihim na relasyon din sa kanyang estudyante na si Marvin kung saan ito ay nagbunga na lingid sa kaalaman ng kanyang kasintahang si Jun.

Isang araw ay sumugod na lamang ang kasintahan ni Marvin na si Cindy sa bahay ni Samantha at walang pakundangan binaril si Jun at si Samantha. Matapos ang pangyayaring ito, nalaman ni Samantha na siya ay nagdadalang tao, na namatay ang kanyang kasintahang si Jun at ang kanyang kalaguyo na si Marvin na siyang ama ng kanyang dinadala.

Piniling mamuhay ng maayos ni Samantha at ibaon sa limot ang lahat ng nangyari.

Bagong Xperience (Samantha) Paksa/Tema[69]EditEdit

Open Sex Relationship: Ang isang mag-asawa o magkarelasyon ay nasa isang "Open Sex Relationship", ang pagkakaroon ng pagkakataon na makipagtalik sa ibang tao kahit na sila ay nasa isang relasyon na. Dapat ay hindi nila hinahayaan na magkaroon sila ng matinding pagkagusto sa taong nakakatalik nila dahil sila ay nasa isang relasyon pa rin at dapat ay mahalin at maging loyal pa rin sila sa kanilang karelasyon.

Teacher-Student Relationship: Pinapakita dito ang isang posibilidad ng pagkakaroon ng relasyon ng isang guro sa kaniyang estudyante, hindi naman ito mali kung ang pagbabasehan ay ang pagmamahal ng isang tao ngunit ang tingin ng lipunan dito ay isa itong maling nakagawian.

Romantikong Relasyon: Ang pagkakaroon ng isang romantikong relasyon ay dapat na sineseryoso at hindi lamang habol ng isa ay ang makipagtalik.

Premarital Sex: Pumasok din sa kwento ang isyu ng Premarital Sex o ang pagtatalik ng isang magkarelasyon kahit hindi pa sila kasal. Para sa lipunan natin, ito ay isang maling gawain.

Bagong Xperience (Lani) Buod[70]EditEdit

Si Lani ay isang single parent at maagang nabuntis sa edad na 16 na taong gulang. Ngayon ay 41 na taong gulang na siya, minabuti na lamang n'yang pagbutihan ang pagtratrabaho at ang pag-aalaga sa kanyang anak na si Libby na 25 na taong gulang na rin. Mayroong manliligaw si Libby ngunit hindi n'ya ito gusto dahil iba ang kanyang natitipuhan. Si Lani naman ay may lihim na gusto sa manliligaw ng kanyang anak kugn kaya't nung nagkaroon ng pagkakataon na maangkin niya ito, agad niyang sinunggaban ang oportunidad at di na ito pinalampas. 'Di naglaon ay nagmahalan ang dalawa at nagpasyang magpakasal, noong una ay 'di ito tanggap ni Libby ngunit 'di nagtagal ay natangap niya na rin ito.

Bagong Xperience (Lani) Tauhan[71]EditEdit

Lani - Isang 41-year old na single parent at may isang anak na nagtratrabaho bilang isang supervisor. May lihim na pagnanasa sa dating manliligaw ng anak at ngayon ay naging asawa na nito.

Libby - Nag-iisang anak ni Lani na ang edad ay 21 taong gulang na nililigawan ni Reyner ngunit may ibang natitipuhan.

Reyner - Dating manliligaw ni Libby ngunit di nagtagal ay naging asawa ni Lani.

Bagong Xperience (Lani) Paksa/Tema[72]EditEdit

Edad: Hindi naman isyu kung gaano man kalayo ang agwat ng edad ng isang magkarelasyon, ang mahalaga ay nagmamahalan sila.

Maagang pagbubuntis: Isa sa mga pagkakamali ng mga babae ay ang pagbubuntis ng maaga, dahil sa maagang pagkakaroon ng responsibilidad, maraming bagay ang hindi nila nagagawa tulad ng gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin habang bata pa.

Bagong Xperience (Jay) Buod[73]EditEdit

Si Jay ay isang estudyante ng BS Computer Science at nangarap na makagawa ng isang operating system na gawa ng isang Pinoy. Mayroon siyang kasintahan ng dalawang taon na nagngangalang Lani ngunit dumating ang panahon na sila ay naghiwalay dahil nagkaroon ng lokohan sa kanilang relasyon at dahil sa nangyaring ito ay naapektuhan ang pagkatao ni Jay. Si Jay at ang kanyang thesis adviser na si Ms. Tin Gil ay nagtalik na siyang ikinagalit ng thesis partner ni Jay na si Sarah dahil may lihim itong kagustuhan kay Jay. 'Di kalaunan ay nalaman ni Jay ang lihim ni Sarah dahil si Sarah ang tumulong, nag-alaga at nagbigay ng bagong lakas ng loob upang harapin ang buhay matapos sirain ni Lani ang buhay ni Jay. 'Di nagtagal ay naging magkasintahan si Jay si Sarah at sobra silang nagmamahalan hanggang sa umabot sila sa magpapakasal na sila ngunit dumating ang isa na namang delubyo dahil namatay sa aksidente si Sarah isang araw bago sila magpakasal. Kinailangan ni Jay na malampasan ang mga problema ng kanyang buhay kung kaya't pumunta na lang siya sa ibang bansa upang magtrabaho. Sa ibang bansa ay nakilala ni Jay si Karen Ling at sila ay nagkatuluyan.

Bagong Xperience (Jay) Tauhan[74]EditEdit


Jay - Isang graduating studeng ng BS Computer Science na may pangarap na makagawa ng isang Operating System na gawang Pinoy.



Lani - Dalawang taong kasintahan ni Jay at nagpapanggap na konserbatibong babae. Pinagtaksilan si Jay at sumama sa ibang lalaki ngunit sa huli ay nagsisi dahil siya ay niloko lamang at pinagsamantalahan.



Darwin - Kaibigan ni Jay. Isang malibog at manloloko, ginagamit ang panloloko upang makuha ang kagustuhan sa mga babae.


Monica - Kasama sa eskuwela nina Jay at Darwin at sinasabing "Pantasya ng Bayan". Isa sa babaeng niloko ni Darwin at inakit lamang upang makatalik ni Darwin.



Nadia - Isa sa babaeng dapat sana ay lolokohin lamang sana ni Darwin ngunit pagdating sa huli ay nakatuluyan ni Darwin dahil nabuntis n'ya ito.


Sarah - Ang thesis partner ni Jay na may lihim na pagmamahal sa kanya. Tumulong sa panahon na sobrang lugmok si Jay at di nag laon ay naging kasintahan ni Jay at sana ay mapapangasawa n'ya ngunit ito ay nasama sa isang aksidente na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ms. Tin Gil - Ang thesis adviser nina Jay at Sarah na nakipagtalik kay Jay dahil ito ay halos dalawang taon nang tigang sapagkat ang kanyang asawa ay nasa ibang bansa.

Dave - Sumunod na kasintahan ni Lani na siyang nanamantala sa pagkababae ni Lani.

Robert Granger - Manager ng Sun Microsystems kung saan nagtratrabaho si Jay.

Sang Myu - Kasama ni Jay sa trabaho bilang isang trainee.

Karen Ling - Ang babaeng nakilala ni Jay sa kanyang trabaho at 'di kalaunan ay nagkatuluyan din sila ni Jay.

Bagong Xperience (Jay) Paksa/Tema[75]EditEdit

Pangarap: Tinatalakay ng kwentong ito kung paano dapat magpursigi at wag mawalan ng pag-asa upang matupad ang iyong mga pangarap.

Relasyon: Dapat ay pinapahalagahan ang iyong minamahal, sinusuportahan sa kanyang mga gustong gawin, hindi dapat hinihila pababa sapagkat mas lalo lamang mahihirapan. Napakahalaga na dapat ay nagkakaunawaan ang magkasintahan.

Tiwala: Isang malaking pagkakamali ang nagawa ni Lani dahil ipinagpalit n'ya si Jay kay Dave. Unang-una ay matagal na ang pinagsamahan ni Jay at Lani, pangalawa naman ay hindi n'ya pa gaanong kilala si Dave. Napagsamantalahan lamang tuloy siya.

Guro-estudyante relasyon: Malaking pagkakamali ang nangyari kay Ms. Tin Gil at Jay sapagkat guro si Ms. Tin Gil at may asawa ang kanyang guro.

Pagmamahal: Makikita natin kung gaano minahal ni Jay si Sarah kahit na saglit lamang naging sila ay niyaya niya itong magpakasal upang maging kampante ang pakiramdam ni Sarah na talagang hindi ito iiwan ni Jay. At noong namatay si Sarah ay dinadalaw pa rin ni Jay ang kanyang himlayan. Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Farut_barbakusi"=Kasal - Buod[76]Edit=

Add a photoNagumpisa ang kwento sa tila malabong diskusyon ng maskasintahan bago sila ikasal. Umiikot ang istorya sa mga pangayayari mula noong magkakillala sila hanggang sa ma-realize nila ang paghihiwalay. Nung umpisa pa lang, parang nanghihinayang na ang nagsasalita konsepto ng paghihiwalay. Bago pa man ikasal ang nagsasalita at si Joanne, ang kanyang asawa, mayroon silang mga nakaraan pagibig. Ang nagsasalita ay mayroong live in partner, si Lizette, nung bago pa sila magkakilala ni Joanne, habang si Joanne naman ay mayroong boyfriend si Joaane, si Michael. Umalis ng bansa si Michael papuntang Canada. Akala ni Joanne, di na babalik si Michael sa Pilipinas. Alam ng nagsasalita na mahal pa ni Joanne si Michael, alam din niya ang paguusap ng dalawa buhat ng makauwi si Michael sa bansa. Nagka-anak ang mag-asawa, si Toni, ngunit namatay sa sakit na Hydrocephalus. Ang nagsasalita sa istorya ay nasa isang sitwasyon kung saan pabagsak na ang kanyang relasyon. Umakyat sa Mt. Pulog ang nagsasalita at si Joanne para mag camping. Habang nasa tuktok ng bundok, tila nag-eenjoy na ang dalawa sa mga huling araw nila bilang mag asawa, dahil pagkababa nila ng Mt. Pulog, magiiba na sila ng direksyon.

Kasal - Mga Tauhan[77]EditEdit


Ang nagsasalita – Siya ang asawa ni Joanne, ama ni Toni. Hindi siya masyadong nanghihinayang sa patutunguhan ng relasyon nilang mag-asawa, ngunit mahal pa din niya si Joanne.


Joanne – Ang asawa ng nagsasalita, ina ni Toni. Hindi rin siya masyadong nanghihnayang sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Mahal pa daw niya ang kanyang dating boyfriend na si Michael.


Toni – Ang anak ng mag-asawa na namatay sa sakit na hydrocephalus.


Michael – Ang dating kasintahan ni Joanne. Mahal pa din niya si Joanne, at marahil na magkabalikan sila kapag nagkahiwalay na ang mag-asawa.


Lizette – Ang nagging live in partner ng nagsasalita sa kwento.

Kasal - Paksa at Tema[78]EditEdit

Add a photoSa istoryang kasal, makikita natin na bumagsak ang relasyon ng mag-asawa. Makikita din natin na tila hindi sila siryoso sa ginagawa nila. Sa unang parte pa lang ng istoryal, sinabi ng lalaki na “Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon pwedeng ipangako sa iyo. Pero ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay pwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papaano.” Makikita parang hindi naman talaga mahal ng lalaki ang kanyang papakasalan. Nung malaman naman ni Joanne ang pagbabalik ni Michael, parang dumagdag pa ito sa paglayo ng damdamin ng dalawa. Dapat ay bago pa lang sila magpakasal, alam na nila na hindi mangyayari ang mga ganitong bagay, na alam nilang sila ang para sa isa’t-isa.

Sa Ngalan ng Ama - Mga Tauhan[79]EditEdit


Batang babae – minolestiya, inuto, at pinagsamantalahan ng kanyang ama. Pinaniwalaan niya ang maling itinuro sa kanya ng kanyang ama.


Ama – Ang walang awang nagmolestiya sa kanyang sariling anak.

Sa Ngalan ng Ama - Paksa at Tema[80]EditEdit

Add a photoMatutunghayan natin sa kwentong ito ang kawalang-hiyaan ng ibang magulang sa sariling anak mismo at ang kakulangan ng respeto sa mga kababaihan. Hindi biro angmgaganitongkasosabayan, ilangbuhay na ang nasayang at nasira dahil sa ganitong kasamaan. Importanteng aspeto sa paglaki ng isang bata ang relasyon niya sa kanyang magulang.



Sa Ngalan ng Ama - Buod[81]EditEdit

Add a photoSinimulan ang istorya sa pagkukuwento ng batang babae na may sikreto sila ng kanyang ama, na hindi kalian man dapat malaman ng kahit na sino maski na ang kanyang sariling ina. Sampung taon ang batangbabae noong ipaalam sa kanyang kanya ng ama ang kanilang sikreto at pinaparusahan pa daw umano ng Diyos ang mga batang nagsasabi ng sikretong ito sa ibang tao. Habang tumatanda ang batang babae ay unti-unti siyang nagkakamalay at nagtataka kung bakit ginagawa ito sa kanya ng kanyang ama. Nagsimula ito sa panghihipo, at nang lumaon ay gumagapang na ang kamay ng kanyang ama sa maseselang bahagi ng kanyang katawan, hanggang sa umabot na ito sa pakikipagtalik sa kanya. Natapos ang kwento sa pagkakakulong sa bilangguan ng babae sa kasalanang pagpatay sa kanyang ama.

Relasyon - Paksa at Tema[82]EditEdit

Redirected from Paksa at Tema[83]EditEdit

Makikita sa istorya ang pagbabago ng “relasyon.” Dati, pag sinasabing relasyon, kailangang nagmamahalan at nagkakaintindihan ang dalawang tao. Kailangan, walang“third party” at eksklusibo lamang sa isa’t isa ang relasyon. Pero sa kasalukuyan, makikita natin sa relasyon ng dalawa sa istoryang ito, ang pagiging bukas nila sa pagabago at nadadaan ang lahat sa usapan. Tinanggap nila ang kahinaan ng bawat isa at kapwa pumayag sa kadalasang nagiging ugat ng paghihiwalay ng magkasintahin, ang pagkakaroon ng kabit.

Relasyon - Mga Tauhan[84]EditEdit

Benny – Ang kasintahan ni Carina, ayaw pa sana niyang pakawalan si Carina ngunit magiging “unfair” daw siya kung ipipilit pa niya ang lahat. Siya ang unang nagkaroon ng kabit, si Rita.

Carina – Ang kasitahan ni Benny na gusto nang tapusin ang kanilang relasyon. Naging kabit niya si Eric ilang buwan matapos malaman na kabit na ni Benny si Rita.


Eric – Ang kabit ni Carina na kanyang katrabaho. Hindi siya sumasangayon sa paghihiwalay nina Carina at Benny.


Rita – Ang kabit ni Benny na naging matalik na kaibigan ni Carina noong kolehiyo. Tumututol din sa paghihiwalay ni Carina at Benny.

Relasyon - Buod[85]EditEdit


Umiikot ang istorya sa magkasintahang sina Benny at Carina na parehong ayaw sa commitment. Nagsimula ito sa paguusap ng dalawa na mukhang maghihiwalay na sila.Dahil nga sa pag-ayaw sa commitment ng dalawa, unti-unting nagkakalayo ang loob ng dalawa. Umabot sa punto na pareho na silang may kabit, na pinangunahan ni Benny, ang sabi pa nga ay hindi kayang punan ng isang tao lahat ng pangangailangan ng isa. Kinalaunan ay naging kabit na ni Carina si Eric, ginagawa nila ito dahil na rin sa tawag ng laman. Kapwa nila alam at kilala ang kaniya-kaniyang kabit. Lumala angpagsasamangdalawa hanggang sa umabot ito sa hiwalayan, ngunit, nagkaroon sila ng usapang pwede pa din silangmagkita kung ninanais ng bawat isa. Matagal ring hindi nagkita ang dalawa mula nang sila ay maghiwalay, hanggang sa bigla na lamang nagyaya si Carina na sila’y magkitang muli. Napag-usapan nilang gusto nilang magkaanak sa isa’t-isa, ngunit ang kasunduan ay matapos mabuntis si Carina ay tuluyan na nilang puputulin ang koneksyon sa isa’t isa at hindi na muling magkikita.

Welcome to the Eli Rueda Guieb Wiki[1]Edit[86]EditEdit

Nagtapos si Eli Rueda Guieb III ng B.A. Broadcast Communication at M.A. Panitikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas DIliman. Siya ay nagkamit ng pitong gawad Palanca Awards for Literature para sa kanyang mga maiikling kwento, dulaang pantelebisyon, at sanaysay. May mga likha din siyang ginawaran ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at ang Gantimpalang Ani. Di lang isang magaling na manunulat si Guieb, ngunit isa rin siyang premyadong filmmaker. Ang kanyang mga pelikulang eksperimental at dokyumentari ay naitanghal na sa iba’t-ibang film festival sa buong mundo. Siya ay dating guro sa Departamentong Brodkast at Departamentong Filipino at Panitikanng Pilipinas sa U.P. DIliman. Nakapaglimbag na siya ng dalawang antolohiya ng mga maiikli niyang kuwento na pinamagatang Pamilya (2003) at Pitada: Mga Katha (1994). Retrieved from "http://eliruedaguieb.wikia.com/wiki/Kasal_-_Mga_Tauhan"

Mga Paksa - Tunay na Lalaki[87]EditEdit


Tunay na Lalaki

Isang paksang natalakay sa kuwento ay ang diskriminasyon sa mga bakla. Ito’y makikita sa panglalait ng mga tauhan kay Berto.

Ang pagibig rin ay isang temang matatagpuan sa relasyon ng magkasintahang sina Aning at Berto.

Mga Paksa - Sapatos ni Cinderella[88]EditEdit


Sapatos ni Cinderella

Isang paksang tinatalakay ng kuwentong Sapatos ni Cinderella ay ang pagibig at ang paglaro ng tadhana. Sinubukan ni Lety at ng kaniyang Prince Charming ang kanilang kapalaran na muling magtagpo matapos ng paghihiwalay at sa kabutihang palad ay ang tadhana ang nagdala sa kanilang dalawa patungo sa isa’t isa.

Mga Paksa - Kunwari pa raw... Ehem![89]EditEdit


Kunwari pa raw… Ehem!

Pagibig ang tema ng kuwentong ito. Sa una’y hindi ito maliwanag sa kuwento ngunit sa pagsulong ng mga pangyayari, unti-unting nadiskubre, hindi lang ng dalawang tauhan sa kuwento, ngunit pati na rin ng mambabasa, ang mga tunay na nararamdaman ng mga puso na siyang naitago ng mga biro, inis, at panibugho.

Mga Paksa - Kunwari pa raw... Ehem![90]EditEdit

Edit


Kunwari pa raw… Ehem!

Pagibig ang tema ng kuwentong ito. Sa una’y hindi ito maliwanag sa kuwento ngunit sa pagsulong ng mga pangyayari, unti-unting nadiskubre, hindi lang ng dalawang tauhan sa kuwento, ngunit pati na rin ng mambabasa, ang mga tunay na nararamdaman ng mga puso na siyang naitago ng mga biro, inis, at panibugho.

Mga Tauhan - Sapatos ni Cinderella[91]EditEdit


Sapatos ni Cinderella

Si Lety ang Cinderella sa maikling kuwento. Ang iba pang tauhan ay ang Prince Charming na hindi binigyang pangalan ng may akda, si Mr. Cruz na siyang boss ni Lety sa trabaho at si Belen na isang kawani sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Mga Tauhan - Kunwari pa raw... Ehem![92]EditEdit


Kunwari pa raw… Ehem!

Si Merced ay isang dalagang palabiro na minsang nainis sa kapitbahay, na kaniya namang iniibig pala sa huli, na si Joven, na siyang ring may lihim na nararamdaman para sa dalaga. Si Zeny naman, ang pinsan ni Merced, ang nagmistulang tulay para sa dalawang nagkukunwaring walang gusto sa isa’t isa.

Buod - Tunay na Lalaki[93]EditEdit


Tunay na Lalaki

Tila walang katapusan ang pangangantiyaw na ginawa nina Luming, Maring at Chabeng at Berto na siyang pinagaakalang bakla dahil sa kaniyang kilos at gawain na karaniwa’y nararapat lamang para sa mga kababaihan. Ang madalas na pagkikuwintas ng sampaguita at pagsasabit ng palamuti sa dingding ang ilan sa mga kaniyang ginagawa kaya siya’y pinaghihinalaang “alanganin”, kung tawagin, ang sekswalidad. Ipinagtanggol ng matandang si Aling Sianang, na siyang matiyagang pinagsisilbihan ni Berto, sa pamamagitan ng pagpugay na siya’y “gloria” bilang isang kasamahan sa buhay at saka ipinahiwatig na ang paratang ng halos lahat na si Berto’y may anyong pagkabinabae ay pawang mali. Ito’y pinagdudahan parin at sinabi nina Maring na hindi niya kayang magtanggol sa panganib na siyang magpapatunay na siya nga’y lalaki. Isang araw ay natagpuan si Aning, isang dalagang umiibig kay Berto, at ang “alanganin” na nagbuburda at ito’y nagpalala pa sa pagiisip ng lahat dahil nagmukhang si Berto pa ang nagtuturo ng tamang paraan at proseso. Dumating ang isang pagkakataon kung saan napatunayan ni Berto ang kaniyang tunay na anyo noong siya’y nagdamit lalaki at matagumpay niyang patayin ang ahas na siyang biglaang bumungad sa kanilang harapan nang sila’y papunta sa isang piging. Higit na nagbago ang kaisipan ng lahat sa “alanganin” nang nalaman nilang nakatadka na palang ikasal si Aning at Berto.

Buod - Sapatos ni Cinderella[94]EditEdit





Sapatos ni Cinderella

Tila fairytale ang pagwawakas ng kuwentong Sapatos ni Cinderella sa pagtatagpo muli nina Lety at ang kaniyang Prince Charming. Nagsimula muna ang istorya sa isang eksena kung saan si Lety ay nakatitig sa mga naggagandahang larawan ng mga kalahok sa “Bb. Cinderella ng Pilipinas” nang may biglaang sumigaw “Narito pala ang tunay na ‘Cinderella ng Filipinas!’” na kumuha ng atensyon ng lahat ng naroon. Sa kaniyang pagkatalikod upang usisain kung sino ang nagsabi noon ay bumulaga sa kaniyang mukha ang hintuturo ng isang lalaki at saka napahiya pa lalo si Lety nang makita niyang sa kaniya nakatuon ang mga mata ng lahat. Siya’y nainis at galit na galit na naglakad paalis at sa kasawiang palad ay napigtas ang kaniyang sapatos na suot. Agad-agad na sumunod sa kaniya ang lalaking nagpahiya sa kaniya at siya’y binilhan ng bagong sapatos. Tinanong ng lalaki kung ano ang pangalan ng dalaga ngunit ito’y tumangging ibigay at saka sinabi na si Cinderella ay hindi nagbigay ng kung anong detalye tungkol sa kaniya at ang paraan lamang na magkatagpo silang dalawa ng kaniyang Prince Charming ay sa pamamagitan ng tsinelas nag into, kung kaya ay dapat ganito daw ang gawin ng lalaki kay Lety. Matapos ang ilang araw ay hindi nabigyang pagkakataon ang kanilang tadhana na magkasalubong hangga’t sa isang piging na pareho nilang pinuntahan. Dito muling nagtagpo ang dalawa at natapos ang kuwento sa kanilang pagsasayaw hanggang magmadaling-araw.

Buod - Kunwari pa raw... Ehem![95]EditEdit


Kunwari pa raw… Ehem!

Nauwi sa pagkayamot at pagkagalit ni Merced kay Joven matapos siyang gulatin at pagtawanan habang siya’y naghahalaman sa labas ng kanilang bahay. Pagkalipas ng ilang araw ay walang tigil parin ang panunukso ni Joven sa pamamagitan ng pagsilip mula sa bintana o sa pagtitig habang si Merced ay naglalakad at sa ilang pagtangkang paglapit upang humingi ng paumanhin sa nagawang biro. Sa lahat ng pagsusumikap ni Joven na siya’y kausapin, wala parin ni isang kibong ginawa ang dalaga at dumating ang panahon na ang binata’y muli nang tumigil. Nagdaan ang mga araw at tila si Zeny, ang pinsan ni Merced na nagkakagusto sa binata, ang kinakausap na lamang ni Joven. Hindi inaasahang makararamdam ng panibugho si Merced sa pinsan. Isang araw, nang ang dalaga’y nagsasaing sa kanilang pugong de gas, ay nagliyab ito at nagdulot ng apoy sa kanilang kusina. Agad-agad namang sumaklolo si Joven at ginamit ang pagkakataong ito upang ipagtapat kay Merced ang tunay na nararamdaman, ang tunay na rason ng lahat ng pagbibiro’t pagsilip sa bintana, at ito’y ang kaniyang pagkagiliw sa dalaga. Nagtapos ang eksena sa pagkahuli ni Zeny sa dalawa na nagkukurutan at sa pagamin ng kanilang sabwatan ni Joven upang mapalapit lamang kay Merced.

Si Rosario Ladia Jose[96]EditEdit


Noong dekada limampu, isang pamilyar na magasin ang Liwayway. Kilalang pangalan dito ay si Aling Charing na siyang taga-payo ng sa mga asawa, ina, at mga mambabasa ng nasabing magasin. Ang pangalan naman na Rosario Ladia Jose ay kilala bilang manunulat ng mga nobelyang de-serye at mga maikling kuwento. Ang hindi alam ng halos lahat ay iisa lamang ang dalawa; iisa lamang si Aling Charing at Rosario Ladia Jose.

Siya’y ipinanganak sa Moriones, Tondo, noong 30 Mayo 1928 kina Elisa Ladia at Numeriano Jose. Siya’y isa sa limang magkakapatid. Sa Lakandula Elementary School siya nagtapos ng mababang paaralan. Siya’y nakapagaral sa Torres High School ngunit hindi nakapagtapos sa dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941. Sa kabila ng kahirapan at kawalan ng oportunidad na makapagaral, siya’y nagtiyagang magtinda ng kakanin sa harap ng kanilang bahay upang makatulong na ipaunlad ang pamilya.

Nahiligan ni Rosario ang pagsusulat ng maikling kuwento simula palang ng kaniyang kabataan. Matapos ang digmaan, sa Magasin ng Bagong Buhay, ay nagsimula siyang maglathala ng kaniyang maikling kuwento. Sa tulong nina Liwayway Arceo, nakapagtrabaho siya sa Liwayway at kinuha siya bilang literary secretary ni A. C. Fabian, ang pangkalahatang tagapamahala. Nagsalin si Rosario ng mga akda mula sa Ingles, kumuha ng diktasyon ng kaniyang boss, at nagtala ng mga idea na ginawang materyal para sa mga nobela ni Fabian.1 Ang pagsama sa mga miting ng kagawad at manunulat ay nagmistulang naging gabay sa kaniyang malikhaing pagsulat.

Si Rosario ay nakapasok sa mas mataas pang posisyon mula sa pagiging literary secretary. Noong 1952, siya’y naging patnugot ng pitak-pangkababaihan sa Liwayway. Dito niya isinasalaysay at hinahango ang mga sariling karanasan at mga ideyang kaniyang napupulot sa mga nababasang inilathala ng iba. Ang mga paksa sa “Pantahanan”, “Pitak ng mga Tumpak na Asal”, “May Suliranin ba kayo”, at “Tahanan at Sining” ay may hawig sa isa’t isa; ito’y patungkol sa mga kababaihan at ang kanilang pangaraw-araw na gawain.

Kasunod ng pagtanggap ng bagong posisyon ay ang paglikha ng ngalan na Aling Charing na ikinabit sa pamagat ng pitak na lumabas sa Liwayway.1

Noong Pebrero 1958, siya’y ikinasal kay A. C. Fabian, na isang biyudo, at sila’y nagkaroon ng dalawang anak na sina Emma at Noel.

Ilan sa kaniyang mga nilikhang nobela ay ang Bulaklak sa Parang (1955), Cristina (1953-1954), Matanda sa Una (1959), at Sa Silong ng Kalangitan (1959). Bukod sa mga nobela, mayroon rin siyang koleksyon ng mga maikling kuwento. Sa kaniyang Timbulang ng Pagibig at iba pang kuwento, makikita na ang mga temang ipinapaloob ni Rosario Jose ay tungkol sa pagbibinata, pagdadalaga, pagibig, at pagmamahal ng mag-asawa, mga magulang at anak, at ng mga magkakapatid. Ang pagbilang ng kaniyang mga kuwento sa Magasin ng Bagong Buhay, Liwayway, at sa Bulaklak ang nagbigay daan sa kaniya upang maisakatuparan ang kaniyang pangarap sa buhay.

Sa pagbabalik-tanaw sa dekada-limampu, tunay na tumatak, patuloy na tumatatak, at muling tatatak sa mga mambabasa ang mga aral na hindi mapupulot sa ibang karaniwang mga akda na nais ipahiwatig ni Rosario Jose.

1] Jose, Rosario L., Timbulan ng Pagibig. 2000, Ateneo de Manila University Press, pp. 1-30, 150-160.

Retrieved from "http://tl.timbulanngpagibig.wikia.com/wiki/Si_Rosario_Ladia_Jose"=Related Categories= Add category =Pages on Timbulanngpagibig Wiki= Add a Page 22pages on this wiki =Recent Wiki Activity=

Retrieved from "http://tl.timbulanngpagibig.wikia.com/wiki/Buod_-_Kunwari_pa_raw..._Ehem!"Retrieved from "http://tl.timbulanngpagibig.wikia.com/wiki/Buod_-_Tunay_na_Lalaki"


Biography[1]Edit[97]EditEdit

Si Joaquin Torres III ay isang blogger na gumagawa ng mga maiikling kwentong erotika sa kanyang site na Pantasya.com. Maraming paksa ang kanyang tinatalakay sa iba't-ibang kwentong kanyang ginagawa na kadalasan ay kakikitaan ng mga paksang maituturing na pagkakasala at di lang basta basta kwentong may kamunduhan. Madami sa mga nasulat ni Joaquin ang na-ifeature na din sa ibang blog site ng ibang bloggers bilang paksa ng kanilang site tulad ng Mga Kwentong Kalibugang Tagalog kung saan nakacompile ang iba sa kanyang mga gawa tulad ng Uhaw, Scandal, Orgy with Joy, atbp.

Ang Pantasya.com na pagmamay-ari ni Joaquin ay nakarehistro under the tld suffix .com. Ang website na ito ay nag-umpisang tumakbo noong Pebrero 28, 2006 na naglalaman ng iba'i-ibang adult materials. Maraming mga bloggers at mga readers ang nagrehistro sa site sa loob na ng 5 taon upang magkontribyut o tumangkilik sa mga maiikling kwentong erotika.

Tema (Sister Kong Cheerleader)[98]EditEdit

Category page[99]EditEdit

*Puberty - nabanggit na pisikal na pagbabago ni Sarah noong bata pa sila ng kuya nitong narrator. Sa loob ng 2 taon ay malaki ang pinagbago nito, nawala ang baby fats at nagbago ang hubog ng katawan.
  • Incest - pagkakasalang nagawa ng dalawa. Hindi napigil ang naging reaksyon ng katawan sa tukso at naramdaman.
  • Pagsisinungaling - nagkasundo ang dalawang itago ang nangyari sa kanilang dalawa. Nagsumpaang walang makakaalam ng kanilang sikreto.
  • =Tauhan (Sister Kong Cheerleader)=
  • Edit

Category page[100]EditEdit

*Narrator - nanonood ng mga sportsgame sa kadahilanang libog siya sa panonood sa mga cheerleaders. Nagawang angkinin ang kapatid dahil sa naging cheerleader ito sa kanilang eskwelahan.
  • Sarah - nakababatang kapatid na 4th year highschool ng narrator na sumali sa cheerleading squad sa kanilang eskwelahan. Sinimulang pinagpantasyahan ng kuya simula ng naging cheerleader ito.

Sister Kong Cheerleader[101]EditEdit

Category page[102]EditEdit

Hindi kaila ang pagkahilig ng narrator sa sports dahil sa pagnanasa nito sa mga cheerleaders, ang kanilang maiiksing suot, ang madaling paninilip sa mga parte ng katawan ng mga ito tuwing nagsasagawa sila ng mga routines. Nagpasya ang kapatid nitong si Sarah na sumali sa cheerleading at dito di naiwasang pagnasaan ang sariling kapatid. Habang nagsasagawa ng routine si Sarah sa kanilang entertainment room, pinulikat ito at daliang tinulungan ng kuya, dinala sa kwarto ang kapatid at hinilot-hilot. Di napigilang matukso ng narrator sa ginagawang paghihilot sa kapatid at isinagawa ang pang-aakin dito. Nabanggit ni Sarah na masama ito ngunit di nagawang pigilan ang kuya sa ibang naramadaman. Natapos ang dalawa sa kanilang makamundong pagkakasala at nagsumpaang lihim nila itong dalawa.

Tinukso Ni Bayaw[103]EditEdit

Category page[104]EditEdit

Nagpasya si Pinky na iwan ang probinsya, ang kanyang matatandang magulang, ang kanyang nobyo ng 2 taon para lumuwas ng Maynila upang magkolehiyo. Nanirahan ang dalaga sa bahay ng kanyang ate at asawa nito ng 1 taon na si Mike. Sa pagtira ni Pinky sa kanila, hindi maiwasan ng dalagang marinig ang mga ungol ng dalawa gabi-gabing nagtatalik ang mga ito na siya namang ikinainit din ng kanyang pakiramdam. Isang pagkakataon na nasilipan ni Pinky ang kwarto ng ate at kuya matapos silang magtalik, napansin ito ni Mike at imumpisahan ang pagnunukso, panghihipo at pagpapanood sa dalaga. Isang araw, nagpunta sa resort ang tatlo at naging oportunidad ito para kay Mike na isagawa ang balak sa dalaga ng maiwan silang mag-isa sa kwarto habang nagpapaspa ang ate ni Pinky. Pinasukan nya sa kwarto ang dalaga at isinagawa ang makamundong pang-aangkin sa isa't-isa. Nagkasundo ang dalawa na ilihim ito sa ate ni Pinky.

Tema (Tinukso Ni Bayaw)[105]EditEdit

Category page[106]EditEdit

*Pagtataksil - nagawang pakikipagtalik ni Mike sa hipag nitong si Pinky. Kasalanang madalas itinatago ng nagkasala sa kanyang asawa.
  • Pagsisinungaling - napagkasunduang pagsisinungaling ng dalawa tungkol sa kanilang nagawang kasalanan sa ate ni Pinky.

Tauhan (Tinukso Ni Bayaw)[107]EditEdit

Category page[108]EditEdit

*Pinky - nagpasyang iwan ang mga magulang at kasintahan sa probinsay upang lumuwas ng Maynila para magkolehiyo. Nanirahan sa bahay ng ate ng asawa nitong si Mike na di niya naiwasang magkaroon ng sekswal na karanasan.
  • Mike - asawa ng ate ni Pinky na pilit siyang tinukso sa pagpapanood sa kaniya ng pagtatalik nila ng kaniyang ate. Naisagawa ang balak kay sa hipag na pang-aangkin ng magkaroon sila ng pagkakataon sa isang resort.
  • Ate ni Pinky - ate ni Pinky kung saan siya nakikituloy habang nagkokolehiyo sa Maynila. Hindi alam ang ginawang kataksilan ng asawa at kapatid.

Tauhan (Renta)[109]EditEdit

Category page[110]EditEdit

*Kathy - dalagang nabuntis at nagkaanak na iniwan ng asawa para sa ibang babae. Hirap sa pagbabayad ng renta ng apartment na pagmamay-ari ni Mang Ramir sa kadahilanang wala iniwang pera ang babaerong asawa sa kanya na naging oportunidad para kay Mang Ramir na magawa ang anumang naisin nito sa dalaga.
  • Mang Ramir - matandang lalaking may-ari ng apartment na tinitirahan ni Kathy. Matagal ng may pagnanasa sa dalaga at naisakatuparan ang balak ng walang maipambayad si Kathy sa renta.

Renta[111]EditEdit

Category page[112]EditEdit

Iniwan si Kathy at anak na walang pera at naghihirap ng kaniyang asawa na sumama sa ibang babae. Pagdating ng araw na kumatok si Mang Ramir sa kanilang bahay na inuupahan upang maningil, di nito naiwasang natukso sa tumambad sa kanyang nagpapasusong Kathy. Napag-alaman ng matanda na walang kakayahan si Kathy magbayad sa kasalukuyan dahil hirap ito sa paghahanap ng trabaho at walang magbabantay sa sanggol kung sakali mang makahanap ito. Naging oportunidad ito kay Mang Ramir upang gamitin ang kalagayan ng mag-ina na magawa ang naisin nito kay Kathy na siya naman niyang naisakatuparan. Walang nagawa ang dalaga sa mga ginawa ng matanda sa kanyang katawan. Halo-halo ang damdamin ni Kathy habang inaangkin siya ng matanda sapagkat mahigit 1 taon na rin itong hindi nakikipagtalik, litung-lito ang dalaga sa pag-aaway ng isip at nararamdaman ng katawan. Matapos marausan ang dalawa, nasabi ni Mang Ramir na babalik ito kinabukasan upang maningil ulit ng renta at nag-abot ng 1 libong piso kay Kathy, panggastos ng mag-ina.

Tema (Renta)[113]EditEdit

Category page[114]EditEdit

*Single Parenthood - naging kalagayan ni Kathy ng iwan siya ng kanyang asawa. Kahirapan sa pag-aalaga ng sanggol sa simpleng rason na hindi madaling mapagsabay ang pag-aaruga sa anak at paghahanap buhay din para sa ikabubuhay nilang mag-ina.
  • Adultery - pagtataksil at pagsama ng asawa ni Kathy sa ibang babae na ikinahirap ng kalagayan ng mag-ina.
  • Pang-aabuso - pang-aabusong ginawa ni Mang Ramir sa kalagayan ni Kathy na hindi makapagbayad sa renta. Naisagawa ang matagal na nitong pagnanasang maangkin si Kathy bilang kapalit sa renta.

Pulseras: Tema at Paksa[115]EditEdit


Homosekswal-Ang pagkakaroon ng pagtitinginan ni Dante at Luis.

Romansa/Pag-ibig sa kapwa-Napamahal na kay Luis si Dante dahil sa kabaitan nito sa kanya.

Pagtulong sa kapwa-Tinulungan ni Dante si Luis makabangon sa buhay.

Trahedya-Namatay si Dante sa huli at iniwan mag-isa muli si Luis.

Pulseras: Tauhan[116]EditEdit


Luis- Isang lalaking may malalaking pangarap para sa sarili, ngunit malungkot dahil nag-iisa.

Dante- Isang masiglang gwardiya sa sinehan ng Maynila. Lagi niyang tinutulungan si Luis at simple lang siya mamuhay.

Ester- Dating asawa ni Dante, mahilig sa luho at tulad ni Luis, malaki ang pangarap sa sarili.

Pulseras: Buod[117]EditEdit

Si Luis, ang ating bida ay lumiwas ng Maynila upang magkaroon ng masmagandang buhay kay sa probinsya, ngunit siya ay nabigo at naiwang gutom at walang pera sa iskinita ng Recto. Dun niya nakilala si Dante, and gwardiya ng sinehan sa Maynila. Pinakain at pinatira niya si Luis sa kanyang tirahan at tinulungan makabangon sa buhay. Si Dante ay lagging nakasuot ng isang pulseras sa kamay na tila hindi bagay sa kanyang pagkatao, napakapambabae kasi ng pulseras; dito nakilala ng mabuti ni Luis si Dante, ang may ari talaga ng pulseras ni Dante ang kanyang dating asawa na si Ester na iniwan siya dahil hindi niya maibigay ang luho na hinihiling nito. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa lumapit na ang loob ni Luis kay Dante at unti unti na to napamahal sa kanya kahit alam niyang mali ito, pero hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili dahil ito na ang kanyang tunay na pagkatao at maliwanag na sa kanya na mahalaga sa kanyang buhay si Dante. Nung nabalitaan na niya na namatay na ang kanyang ama sa probinsya balak niyang umuwi at isama si Dante para ipakilala sa nag-iisang ina. Pero bago man mangyari ang kanyang magandang plano, pinatay si Dante sa isang kaguluhan sa sinehan at muling iniwan si Luis na mag-isa suot ang pulseras ng kanyang pinakamamahal na kaibigan.

Salbahe: Tema at Paksa[118]EditEdit

Panitikan Wiki NavigationEdit

Random Page Wiki ActivityMga binabantayan ko Kamakailang pagbabago **0 Talk

Nonnon Villaluz CarandangEdit

Mga nilalamanEdit

[itago]**1 Pulseras: Tema at Paksa

Pulseras: Tema at Paksa[121]EditEdit


Homosekswal-Ang pagkakaroon ng pagtitinginan ni Dante at Luis.

Romansa/Pag-ibig sa kapwa-Napamahal na kay Luis si Dante dahil sa kabaitan nito sa kanya.

Pagtulong sa kapwa-Tinulungan ni Dante si Luis makabangon sa buhay.

Trahedya-Namatay si Dante sa huli at iniwan mag-isa muli si Luis.

Pulseras: Tauhan[122]EditEdit


Luis- Isang lalaking may malalaking pangarap para sa sarili, ngunit malungkot dahil nag-iisa.

Dante- Isang masiglang gwardiya sa sinehan ng Maynila. Lagi niyang tinutulungan si Luis at simple lang siya mamuhay.

Ester- Dating asawa ni Dante, mahilig sa luho at tulad ni Luis, malaki ang pangarap sa sarili.

Pulseras: Buod[123]EditEdit

Si Luis, ang ating bida ay lumiwas ng Maynila upang magkaroon ng masmagandang buhay kay sa probinsya, ngunit siya ay nabigo at naiwang gutom at walang pera sa iskinita ng Recto. Dun niya nakilala si Dante, and gwardiya ng sinehan sa Maynila. Pinakain at pinatira niya si Luis sa kanyang tirahan at tinulungan makabangon sa buhay. Si Dante ay lagging nakasuot ng isang pulseras sa kamay na tila hindi bagay sa kanyang pagkatao, napakapambabae kasi ng pulseras; dito nakilala ng mabuti ni Luis si Dante, ang may ari talaga ng pulseras ni Dante ang kanyang dating asawa na si Ester na iniwan siya dahil hindi niya maibigay ang luho na hinihiling nito. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa lumapit na ang loob ni Luis kay Dante at unti unti na to napamahal sa kanya kahit alam niyang mali ito, pero hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili dahil ito na ang kanyang tunay na pagkatao at maliwanag na sa kanya na mahalaga sa kanyang buhay si Dante. Nung nabalitaan na niya na namatay na ang kanyang ama sa probinsya balak niyang umuwi at isama si Dante para ipakilala sa nag-iisang ina. Pero bago man mangyari ang kanyang magandang plano, pinatay si Dante sa isang kaguluhan sa sinehan at muling iniwan si Luis na mag-isa suot ang pulseras ng kanyang pinakamamahal na kaibigan.

Salbahe: Tema at Paksa[124]EditEdit


Pag-ibig/Romansa- Makikita sa pagbabago ni Noel dahil napamahal na siya kay Lorena.

Trahedya-Dahil sa pagbunyag ni Lorena na siya pala ay isang lalaki nakapagmatay si Noel na bigo sa pag-ibig.

Pansekwalidad- Napamahal si Noel kay Lorena dahil sa ugali nito at hindi dahil sa naakit siya sa pagkabababe nito.

Salbahe: Tauhan[125]EditEdit


Noel- Siya ay kilala bilang isang salbahe, dahil sa kanyang pagloloko sa mga babae para makuha ang gusto niya.

Lorena/Ma’am- Siya ay mabait at rehiliyosong tao, pero sa ilalim ng kanyang mga mahinhing ngiti at kilos siya pala ay isang lalaki.

Salbahe: Buod[126]EditEdit


Si Noel ay kilala bilang isang mapanukso at matinik na lalaki. Marami na siyang naloko na babae para matustos ang araw araw na pangangailangan. Isang araw Nagkaroon sila ng pustahan ng barkada niya na kung mapa-ibig niya si Lorena Ablaza o mas kilala bilang Ma’am sa kanila, siya na talaga ang pinakamatinik na lalaki sa balat ng lupa. Nakipagkaibigan si Noel kay Ma’am at tinanggap nito ng lubusan; binigyan pa niya ng trabaho yung binata na mag-alaga ng masukal na hardin. Sa tagal ng kanilang pagsasama tila napagtanto ni Noel na iba si Lorena sa mga babae na nakilala niya at tuluyan na siya napamahal dito. Malakas ang pagpatak ng ulan nun nung nagkaroon ng lakas na loob si Noel umamin kay Lorena, subalit hindi kaya masagot ni Lorena ang kanyang pag-ibig dahil tulad ni Noel, lalaki rin si Ma’am. Nagpakamatay si Noel sa dagat na alam na ang dating kilala niyang Ma’am ay isang Sir talaga.

Rapael, Eskultor: Tema at Paksa[127]EditEdit


Liberal vs. Konserbatibo- Dito naglalaban sa ideya at konsepto ni Rapael at Lolo Temyong sa pagpili ng imahen sa gagawing nilang statwa.

Lalaki bilang makapangyarihan- Dito pinakita ang perpektong lalaki, matipuno malaki ang ari, makapangyarihan.

Tao vs. Sarili- Dito akala natin na kalaban ni Rapael ang kanyang Lolo pero sa totoo kalaban talaga niya ang kanyang sarili.

Rapael, Eskultor: Tauhan[128]EditEdit


Rapael- Isang batang eskultor na umuukit ng mga hubad na lalaki dahil sa kagustuhan na maiba sa angkan ng mga eskultor ng kanyang Lolo. Takot siya sa kanyang Lolo Temyong pero may parte sa kanyang puso ang madilim at rebeldeng katauhan.

Lolo Temyong- Lolo ni Rapael na magaling rin na eskultor, kaso strikto siya sa kanyang apo na dapat lang umukit ng mga relihyosong imahen at hindi yung mga walang kakwenta kwentang statwa.

Rapael, Eskultor: Buod[129]EditEdit


Nagsimula ang kwento sa isang batang eskultor, na nagngangalang Rapael, na umuukit ng mga lalaking walang saplot. Ngunit hindi sang-ayon ang kanyang Lolo Temyong sa mga malalaswang at hindi rehiliyosong imahen na ginagawa ng kanyang apo, kaya niya ipinagbabawal kay Rapael ang paglililok ng mga hubad na statwa. Isang gabi, nanaginip si Rapael na napapaplibutan siya ng kanyang mga likha; mga likha na may perpektong kurba, at malalaking ari na nagsisilbing bilang kanilang kapangyarihan at dignidad. Sabik na sabik at tuwang tuwa si Rapael sa mga napapaginipan niya, nararamdaman niya na siya ang diyos ng kanyang panaginip sa tulong ng mga lalaking walang saplot na naka-ukit sa kahoy. Kahit inutos na ng kanyang Lolo na itapon na ang kanyang mga likha, tinago lang niya ito sa ilalim ng hagdanan at patuloy ang mga panaginip. Pero ang hindi alam ni Rapael, unti-unti siyang nalulunod sa sakim at kadiliman ng mga statwa hanggang sa gabi na inutusan siyang patayin si Lolo Temyong. Tuluyan na siyang kinokontrol ng kanyang mga likha at isang gabi pumasok siya sa kwarto ng kanyang naghihimbing Lolo, hawak ang matalim na paet tinangka niya tusukin ito sa dibdib ng matanda. Nung malapit na ang paet sa matanda, biglang natauhan si Rapael at napagtanto niya na hindi siya ang diyos sa kanyang likha kundi isang alipin lamang at pinatay niya ang kanyang sarili.

Biography[130]EditEdit

[1]Added by Berns CastanedaSi Nonon Carandang ay nagsimula magsulat nung unang taon niya sa kolehiyo. Napili siya ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center para tumanggap ng fellowship, at dahil dun sunod sunod na ang kanyang mga proyekto. Nagpunta siya ng Europa para ilunsad ang kanyang aklat na pinamagatang Angkan ni Eba. Nagturo siya sa University of the East at University of Santo Tomas. Kasalukuyang abala siya sa pagtuturo at panananliksik sa panitikan, wika, kultura sa De La Salle University-Manila.

Retrieved from "http://nonnonvillaluzcarandang.wikia.com/wiki/Biography" =Related Categories= Add category *Showing 0 most recent

0 commentsEdit

Tema at Paksa ng Babae, Lansangan at Takipsilim[131]EditEdit

==Tema[1]Edit==
    • "Mga pagsubok lamang 'yan wag mong itigil ang laban."

Ipinararating ng kwento na kailangan nating ipagpatuloy at ipaglaban ang sa kung ano para sa atin ang tama at nararapat. Sa kweto'y makikitang kahit may pagaalinlangan ang babae sa kung ipagpapatuloy pa ba niya ang kaniyang dinadalang bata ay 'di pa rin niya binitiwan ang kaniyang paniniwala sa kung ano ang tama. Kumatig siya sa tam kahit na tila ilaw na lamang mula sa umaandap-andap na kandila ang kaniyang pagasa.

Paksa[2]Edit[132]EditEdit

    • Women Empowerment

Sa kwento'y babaeng nawawalan na ng pag-asa ang sentrong paksa. Sa huli'y napagtagumpayan niyang gawin ang sa kung ano para sa kanyan ang mas tama. Ipinagpatuloy niya ang pagdadala sa bata. Malinaw na mensahe ito para sa ibang kababaihan na ipaglaban nila ang kung ano sa paniniwala nila ang tama.

    • Aborsyon

Malinaw na ipinaparating ng maikling kwento ang tindig nito ukol sa paksang ito. May tunggalianng panloob na nagyari rito, matinding tunggaliang panloob. Hindi na inilagay bilang sentrong argumento ang sa aspektong pangkalusugan ng idudulot ng aborsyon, marahil nga'y hindi na kailangan ng maraming salita kapag buhay ang nakasalalay.

Tema at Paksa ng Kwento ni Mabuti[133]EditEdit

==Tema[3]Edit==
    • Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na kaligayahan

Sa kabila ng dinadala ni Mabuti ay patuloy pa rin niyang inuusad ang kaniyang buhay. Hindi niya ipinapakita sa iba ang kaniyang pinagdaraanan pagkat alam niyang siya lamang ang pinaka-makatututlong sa sarili niya. At dahil nga sa ganitong paghawak niya sa kaniyang sitwayson ay masasabing namulat rin siya sa mga lihim na kaligayahan. Alam niyang mayroon pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang kanyang anak.

Paksa[4]Edit[134]EditEdit

    • Katapatan sa Asawa

Bagaman hindi pa tapos ang istorya ng buhay ni mabuti'y masasabi kong matapat siya sa kanyang asawa kahit na wala na ito. Magandang mensahe ito pagka't marami ng mga biyudo at balo sa ating panahon na napababayaan na ang kanilang mga anak dahil sa pagiging mas okupado sa paghahanap ng bagong kasama sa buhay.

    • Single Parenthood & Women Empowerment

Karugtong ng una kong nabanggit, ang kwento'y humipo rin sa paksang ito. Mahirap na maging magulang, lalo na ang maging magulang ng nag-iisa. Humuhikayat rin ito sa mga kababaihan na ipagpatuloy ang kanila laban sa buhay kahit na ito'y sobrang bigat na para pasanin.

Tema at Paksa ng Pagbabago[135]EditEdit

==Tema[5]Edit==
    • Ang katawan ay tumatanda, huwag hayaang ang puso rito'y gumaya

Likas sa atin bilang mga mortal na tumanda at mamatay. Parte ng siklo ang pisikal nating paghina. Ngunit bilang mga nilalang na may damdamin tayo'y hindi lamang sumusunod sa balangkas na ito. Tayo ay may kapangyarihan hindi upang pigilan ito ngunit upang katasin ang pinaka importante mula sa natitira pa nating lakas. Naging matandang dalaga man si Itang ay patuloy pa rin siyang naging bukas sa pagtanggap sa mga kawalang nagpalungkot sa kanya, sa hagikgikan ng mga bata sa kalye at sanggol na hindi siya nagkaroon.

Paksa[6]Edit[136]EditEdit

    • Menopause

Pagtanda ang sentrong paksa ngunit mas tuon ito para sa mga kababaihan lalo na sa mga inabutan ng yugtong ito sa kanilang buhay ng wala silang pamilyang nabuo. Mahirap ang tumanda lalo na ang tumandang walang kasamang pamilya para sa babae.

    • Pagaasawa

Hindi lamang ito makikita sa sitwasyon ni Itang dahil nga wala siyang asawa. Kapansinpansin ang pagtiklop ni Edong, kapatid ni Itang sa tuwing kinagagalitan ng asawa nito si Itang. Malaking isyu ito lalo na para sa mga kalalakihang pamilyado rito sa Pilipinas, sila iyong mga tinatawag na Ander-de-Saya.

Tauhan sa Kwento ni Mabuti[137]EditEdit

==Mga Tauhan[7]Edit==
    • 'Mabuti'- Guro. May positibong pananaw sa buhay. Mayroong malalaking pangarap para sa kaisa-isang anak.
    • Fe- Estudyante ni Mabuti. Minsang niyang naengkwentro si Mabuti ng umiiyak siya sa silid-aklatan. Musmos na natuto ng pagtanggap sa kalungkutan mula kay mabuti.
    • =Tauhan sa Babae, Lansangan at Takipsilim=
    • Edit
==Mga Tauhan[8]Edit==
    • Babae- Buntis siya at nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang kaniyang dinadala o ilalaglag na lamng ito upang ituloy ang marami pa niyang pangarap.
    • Cita- Singer na naririnig ng babae sa kaniyang isipan noong iniisip nito kung itutuloy ba o ilalaglag ang bata. Suhestibo ang kanta ni Cita na ipalaglag ang bata.
    • =Tauhan sa Pagbabago=
    • Edit
==Mga Tauhan[9]Edit==
    • Itang- Dalagang nasa 50 taong gulang na. Mainitin ang ulo at mabilis ng manghina.
    • Edong- Kapatid ni Itang. Tiklop sa kanyang asawa sa tuwing kinagagalitan nito ang kanyang kapatid.
    • Feli- Asawa ni Edong. Nagtatrabaho. Walang pangunawa sa kalagayan ng hipag na si Itang
    • Ling- Kapit-bahay nilang magpapabantay ng anak kay Itang.
    • =Buod ng Kwento ni Mabuti=
    • Edit









[10]Added by JamesChavezUminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa knayang mga estudyante.

Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.

Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin.

Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.

wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan. Retrieved from "http://genovevaedrozamatute.wikia.com/wiki/Buod_ng_Kwento_ni_Mabuti"


















































Buod ng Pagbabago[138]EditEdit

[11]Added by JamesChavezlang araw nang tila binibiyak ang ulo ni Itang ng sakit na kaniyang nararamdaman sa tuwing makaririnig ng ingay. Ilang buwan na rin siyang tila hinihigupan ng laka sa tuwing siya'y gagalaw. Dinagdagan pa ng nararamdaman niya ang perwisyong hatid sa kanya ng ingay ng mga bata sa looban nila. Lagi niyang sinusungitan ang mga ito

Nakikitira na lamang siya sa kaniyang kapatid na si Edong kasama ang asawa nitong si Feli buhat ng tumigil na ito sa pagtatrabaho.

Matandang dalaga si Itang, pinabilis ng kaniyang responsibilidad sa pag-papaaral sa kapitid upang maging mestro ang panahon para kay Itang. Masyadong bumilis na hindi niya namalayang 50 na siya't tila may uka pa rin ang sariling katuparan.

Laging pinamumukha sa kaniya ni Feli ang pagiging pabigat nito dahil nga siya'y mahina na. Simula noo'y ayaw na niyang dumaing sa kapatid niyang si Edong sa tuwing may mararamdaman siya. Mag mula noo'y nakapagtatakang hinahanap hanap na niya ang ingay ng mga batang naglalaro. Nagsilbi niya itong pamatay sakit.

Minsa'y pinagbantay siya ni Ling, kanilang kapit-bahay, ng anak nito. Noong una'y hindi niya hinahawakan ang bata. Ni makanti ito'y kanyang iniingatang mangyari. Ang karanasan para sa ganitong bagay ay hindi para sa kaniya. Ngunit nang umiyak ang bata'y napilitan siyang kargahin ito kahit siya'y natatakot. Kinirot at kinagat siya ng bata. Imbes na magsungit ay tila nasiyahan pa ito, tila nahanap na nito ang kaniyang katuparan. Biglang nanghina si Itang at bumagsak, kalong pa rin nito ang batang nakaunan at mahimbing ang tulog sa tuyong dibdib ni Itang, nakapinta rin sa mukha ni Itang ang matagal ng hindi mamamataan dito--ang ngiti. Retrieved from "http://genovevaedrozamatute.wikia.com/wiki/Buod_ng_Pagbabago"

Buod ng Babae, Lansangan at Takipsilim[139]EditEdit

[12]Added by JamesChavezNaglalakad noon ang babae sa gitna ng lansangan ng binasa ng kararaan pa lamang na ulan. Maputik ang kalsada. Nagmamadil ang lahat-- sasakyan, tao, oras-- maliban sa kanya. nakatayo lamang siya roon na tila nasa kawalan.

Bumalik na sa ulirat ang babae. Ngayo'y napansin niya ang sapatos niyang nabahiran na ng putik na kanina lamang ay malinis. Napansin niya rin ang pagsikip ng kaniyang sinturon nitong mga nakaraang buwan nang paraanin niya ang kaniyang daliri sa ilalim nito.

Habang naglalakad ay patuloy na tumatakbo sa kaniyang isip ang pagkabigong idudulot sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang ang kaniyang idinadala. Ginagatungan pa ng kanta ni Cita ang kaniyang iniisip, "Kay-dali lang niyan! Wag mo lamang patagalin pa..."

Nakarating na siya sa address na nakasulat sa papel ng nagrekomenda sa kaniya. Pagkawala ng pag-asa ang nag-hatid sa kaniya roon. Naghintay siya sa kaniyang numero. Nakita niyang lumabas ang babaeng tila inalisan ng rason upang magpatuloy sa buhay

Bago pa man bumukas uli ang pintuan ng klinika'y naging bahagi na ulit ng lansangan ang babae. Mabilis niyang tinahak ang liwasang puno ng anino, pagkarating sa harap ng dambana'y nakita niya ang isang aandap-andap na liwanag mula rito. Tumama ang liwanag sa namumuo niyang luha. Napaluhod siya't sa gawing itaas ng naninikip na sinturo'y masiglang pumipintig ang isang buhay.

Bumalik na sa ulirat ang babae. Ngayo'y napansin niya ang sapatos niyang nabahiran na ng putik na kanina lamang ay malinis. Napansin niya rin ang pagsikip ng kaniyang sinturon nitong mga nakaraang buwan nang paraanin niya ang kaniyang daliri sa ilalim nito.

Habang naglalakad ay patuloy na tumatakbo sa kaniyang isip ang pagkabigong idudulot sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang ang kaniyang idinadala. Ginagatungan pa ng kanta ni Cita ang kaniyang iniisip, "Kay-dali lang niyan! Wag mo lamang patagalin pa..."

Nakarating na siya sa address na nakasulat sa papel ng nagrekomenda sa kaniya. Pagkawala ng pag-asa ang nag-hatid sa kaniya roon. Naghintay siya sa kaniyang numero. Nakita niyang lumabas ang babaeng tila inalisan ng rason upang magpatuloy sa buhay

Bago pa man bumukas uli ang pintuan ng klinika'y naging bahagi na ulit ng lansangan ang babae. Mabilis niyang tinahak ang liwasang puno ng anino, pagkarating sa harap ng dambana'y nakita niya ang isang aandap-andap na liwanag mula rito. Tumama ang liwanag sa namumuo niyang luha. Napaluhod siya't sa gawing itaas ng naninikip na sinturo'y masiglang pumipintig ang isang buhay. Retrieved from "http://genovevaedrozamatute.wikia.com/wiki/Tema_at_Paksa_ng_Pagbabago"Retrieved from "http://genovevaedrozamatute.wikia.com/wiki/Tema_at_Paksa_ng_Kwento_ni_Mabuti"Retrieved from "http://genovevaedrozamatute.wikia.com/wiki/Tema_at_Paksa_ng_Babae,_Lansangan_at_Takipsilim"

Biography ni Juan Ekis[140]EditEdit


Si Juan Ekis ay nagsusulat ng mga tula at maiikling kuwento habang nasa kama. Mahilig siya sa cookies at inihaw na liempo. Hindi rin siya kumakain ng isda.

Ilan sa mga paborito niyang mga movies ay Fight Club, Inception, Little Manhattan, Dark Knight, at Memento. Nakikinig siya sa Wolfgang, Eraserheads, at Black Sabbath.




Si Ginoong Ekis ay kasalukuyang nasa San Pedro, Laguna.


Mga Tema: 20 Questions[141]EditEdit

Barkada: Ipinakita sa maikling kuwento kung gaano kalakas ang impluwensya ng barkada sa pagbuo ng mga karanasan ng isang tao. Hindi maikakaila na ang barkada at mga kaibigan ay mga puwersa na maaring makatulong o makasama sa buhay ng isang tao.

Tradisyon: Kasama sa kultura ng kahit na anong lahi ang tradisyon. Sa kuwentong 20 Questions, ipinakita na pati na rin mga magkakaibigan ay mayroon ding mga tradisyon. Isa itong paraan upang mas lumalim ang pagsasamahan sa isang grupo.

Aborsyon: Ilegal ang aborsyon sa Pilipinas pero alam ng lahat na may mga gumagawa pa rin nito. Ilan sa mga dahilan ng pag-aabort ay ang hindi inaasahang pagbubuntis, kawalan ng pera para sa kinabukasan ng sanggol o kahirapan, at kahihiyan ng pamilya at mga magulang.

Virginity: Sinuri ng kuwento ang kahalagahan ng virginity sa iba't-ibang tao. Iba-iba ang tingin na bawat isa pagdating sa virginity, ngunit hindi maikakaila na ang mga Pilipino ay pinapahalagahan parin ito.

Mga Tema: Sakura[142]EditEdit

Pagkakaibigan: Sa simula ng kahit na anong relasyon, mayroon na kaagad bakas ng pagkakaibigan. Hindi maitatanggi na sina Kathy at Nicky ay malayo na ang pinagsamahan. Ang tanong na lamang ngayon ay kung handa silang isugal ito para sa pag-ibig, kung mayroon man. Kahit habang nagdridrive at umiinom ng beer, makikita ang bakas ng malalim na pagtingin sa isa't-isa.

Katahimikan: Hindi kailangan sa lahat ng panahon, mayroon kang sinasabi. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo, maraming mensahe ang maaari mong maipabatid.

Pag-ibig: Si Nicky, iniibig si Kathy. Obvious naman, 'di ba? Ang tanong ay kung ganoon din si Kathy para kay Nicky.

Mga Tema: Virtual[143]EditEdit


Internet at chatting: Sinuri ng maikling kuwento ang mga kalakasan at kahinaan ng relatively ay bagong teknolohiyang tinatawag na Internet. Sa unang tingin, pinapabilis nito ang mga sosyokultural na aspeto ng ating buhay, ngunit may mga nagbabadyang panganib din sa paggamit nito, gaya ng anonynimity at pagwalang-bahala sa koneteksto ng realidad pagdating sa pakikitungo sa pamamagitan ng chatting.

Pagiging inosente: Isang inosente si Michael sa aspeto ng Internet/chatting at pati na rin sa sekswalidad sa konteksto ng Internet. Nilinlang siya ni "Celine" sa pamamagitan ng chat, pinalabas na siya ay isang tunay na babae na may makamundong pagnanasa. Ang tatangatangang si Michael naman, sinakyan ang trips ni "Celine."

Sekswalidad: Inabuso ang konteksto ng sekswalidad sa pamamagitan ng karakter ni Celine. Mabuti nga sana kung ginawa niya iyon dahil sa tulak ng laman, pero hindi. Trips-trips lang, na para bang walang isa pang taong nag-iinvest ng panahon at kahit kakaunting emosyon sa ginagawa niya.

Mga Karakter: 20 Questions[144]EditEdit

Si Yumi ay isang liberal na babae. Hindi na bago sa kanya ang sex at iba't-ibang aspeto nito. Sa pagkarami-rami ng nakarelasyon niya, humahanap na siya ngayon ng lalaking ituturing siyang higit pa sa pagpapahalaga niya sa kanyang sarili.

Si Jigs ay relatively bago pa lamang sa barkada nila Yumi. Pinagkakamalan siyang bading dahil sobrang konserbatibo kumilos at sa sobrang paggalang sa babae. Kakabreak pa lamang ni Jigs sa kanyang girlfriend.

Mga Karakter: Sakura[145]EditEdit

Si Kathy ay maituturing na bestfriend ni Nicky. Matagal na silang magkakilala ni Nicky, palagi silang magkasama, at madalas ay napagkakamalan pa silang magnobyo.

Si Nicky ang bestfriend ni Kathy. Obvious na obvious naman na merong mas malalim na pagtingin si Nicky kay Kathy na higit pa sa isang kaibigan. Sinabi ko na nga noong una, nuknukan ng torpe si Nicky.

Mga Karakter: Virtual[146]EditEdit

Si Michael ay isang batang lalaki na katututo pa lamang gumamit ng isang internet relay chat client. Nabaliw si Michael kay Celine, isang chatmate na kahit hindi niya nakikita sa totoong buhay, ay tinamaan siya ng magaling.

Si Celine ay isang lalaki sa tunay na buhay. Nag-aaral sa kaparehong eskwelahan, pinagtripan ni 'Celine' si Michael sa chat gawa ng siya ay baguhan pa lamang dito.

Buod: Virtual[147]EditEdit

Bagong tuto pa lamang si Michael sa mundo ng internet at chatting. Nakilala niya si 'Celine' gamit ang isang internet relay chat client. Nagkamabutihan silang dalawa, hangang sa umabot sila sa roleplaying. Nahihibang nang unti-unti si Michael kay Celine nang biglang nawala si Celine sa mundo ng chat. Isang linggo ang hinintay ni Michael bago bumalik si Celine. Mas uminit ang mga pag-uusap nila ni Celine ng biglang isang araw, nalaman niya ang totoong pagkatao ng kachat.

Buod: Sakura[148]EditEdit

Nagdridrive si Kathy habang umiinom ng beer si Nicky sa passenger seat. Tinanong ni Nicky ang tungkol sa lakad ni Kathy bago sila magkita, kung anong oras umalis, saan galing, at kung sino ang kasama. Marami-rami silang napag-usapan ni Kathy. Nabanggit ang dating boyfriend ni Kathy na si Jess. Habang nasa loob ng kotse, binigyan ni Nicky si Kathy ng inaakala niyang Sakura (o cherry blossom) leaves. Natawa si Kathy at sinabing Japanese Maple ang mga yon. Nagpasalamat si Kathy.

Doon ka na magsisimulang kiligin at maasar. Torpe, peste.

Buod: 20 Questions[149]EditEdit

Nagsimula at natapos ang kwento sa loob ng isang kwarto ng isang beach resort. May tradisyon ang barkada nila Jigs at Yumi na minsan sa isang taon, isang babae at isang lalaki ang 'bubunutin' para magsama sa loob ng isang kwarto sa loob ng tatlong araw, bawala lumabas maliban kapag kakain. Gawa ng pagkabagot, naisipan ni Jigs na maglaro sila ng 20 questions; palit-palitan silang magtatanong ng kahit na ano sa isa't-isa, bawal umulit ng tanong, bawala magsinungaling. Nakilala nila ang ang kalaro dahil sa 20 questions. Lumalim ang samahan, higit pa sa pagkakaibigan.

Namatay ang ilaw sa dulo, nagdilim kumbaga. May nangyari kaya?

Mga PAKSA at TEMA sa Sangandaan[150]EditEdit

Ang mga paksa at temang naitalakay ng kuwento:
    • Mangarap - Ang panaginip ng magkakapatid ay salamin ng mga gusto nilang abutin at mangyari sa kanilang buhay. Pero dahil sa kahirapan, ito'y mananatiling panaginip lamang.
    • Kahirapan - Pinakapakita ito bilang salungat sa kanilang mga panaginip na marangya at magarbo. Sa panaginip na lang nila nararanasan ang kanilang mga gusto.

BUOD ng Sangandaan[151]EditEdit


Ang "Sangandaan" ay kuwento ng tatlong magkakapatid at ng kanilang mga karanasang hindi naman totoo. Nagsimula ang kuwento sa panganay na si Ding habang ito'y nagbabasa ng dyaryo at ipinagtitimpla ng kape ng katulong na naka-unipormeng asul sa kanyang bahay. Sumunod ang istorya ni Ana, ang kapatid nilang babae, na noon ay nagre-relaks at nagpapamasahe sa tatlong katulong na parehong nakasauot ng puting blusa at pantalon. Kasunod naman nito ang kuwento ng bunsong si Leon na kumakain ng pritong manok sa isang fastfood restoran at nakikipaglaro sa maskot nitong higanteng bubuyog na kulay pula. Ang tatlo ay biglang nagkitaan at nagsama sa isang bus na hindi nila alam kung saan pupunta at habang lulan nito ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa malaki at bago nilang bahay. Bumilis ang takbo ng bus at sabay-sabay silang humampas sa sandalan ng mga upuan. Sa huli ay naibunyag ang katotohanan: na panaginip lang pala ang mga nangyari, at habang sila'y tulog pa ay may nagaganap na demolisyon sa labas ng kanilang pala-palang bahay.

Mga TAUHAN sa Sangandaan[152]EditEdit

Ang mga pangunahing tauhan:
    • Ding - Panganay na lalaki sa tatlong magkakapatid.
    • Ana - Kapatid na babae, pangalawa sa tatlong magkapatid.
    • Leon - Bunsong kapatid na lalaki.
    • Aling Thelma - Ang ina ng tatlong magkakapatid.
    • konduktor ng bus - Laging nakangisi, kalmado at walang-pakialam.

Mga TAUHAN sa Berde[153]EditEdit

Ang mga pangunahing tauhan:
    • Lorenzo Catriciones - Tinawag din na "Lorenzong Bangaw", isang tagong bakla na namatay at siyang sentro ng imbestigasyong nagaganap sa Kalye Desiderata. Kinaiinisan ng mga tao sa Kalye Desiderata dahil sa walang dinalaw at walang pinadalaw na mga kapitbahay sa tahanan nito.
    • Dra. Erlinda Colayco - Isang retiradong doktora, matandang babaeng lihim na nagpapaipot sa alagang asong hilaw na Aleman sa hardin ni Lorenzo Castriciones. Masama ang loob kay Lorenzo dahil sa disinteres nito sa kanyang anak na babae.
    • Jeff Bolima - Nagtatrabaho siya bilang delivery boy ng Liquid Dreams Mineral Water Station, naglilibot para magrasyon kundi man mangolekta ng mga walang lamang container ng tubig. Siya lamang ang pinapapasok ni Lorenzo sa loob ng bahay niya.
    • Romano Villaver - Lihim na nagmamahal kay Lorenzo, nakilala ang kanyang "tunay na sarili" isang gabing nakasabay kumain ng hapunan si Lorenzo sa kantinang walang bubong.
    • Loreta Navarro - Ang tindera sa kantinang walang bubong. Magiging lihim na magkasintahan ni Jeff Bolima sa hinaharap.
    • Myrna - Anak na babae ni Erlinda Colayco, malapit ng magkuwarenta anyos, hindi pa nagkakaroon ng kasintahan, mangani-nganing sabihing birhen pa at wala kahit anong uri ng sexual na karanasan. Gustong ipakilala ni Erlinda kay Lorenzo.
    • Ruben Prudencio - Ang pulis na namumuno sa imbestigasyon ng pagkawala at pagkamatay ni Lorenzo Catriciones.
    • Agapito at Clarita delos Santos - Mag-asawang baog, na orihinal nagmamay-ari ng bahay na tinutuluyan ni Lorenzo Catriciones. Karinyoso at maalalahanin sa lahat ng kapitbahay, at ilang beses na naghalinhinan sa pamumuno ng La Vida Subdivision Homeowner’s Association.
    • Leopoldo Canlas - Ang biyudong may-ari ng Liquid Dreams Mineral Water Station.

BUOD ng Berde[154]EditEdit

: Ang "Berde" ay kuwento ng mga taong nakatira sa Kalye Desiderata at ang relasyon ng bawat isang tao sa kanilang kapitbahay na si Lorenzo Catriciones. Ini-imbestigahan ang pagkawala ni Lorenzo at ito'y nagdulot ng komosyon sa buong kapitbahayan. Napag-alaman na namatay si Lorenzo sa loob ng kanyang bahay at lahat ay nagsitungo sa kanyang residensya upang umusisa at makibalita. Sinalaysay ang kuwento sa pananaw ng iba't ibang tao na nakatira sa Kalye Desiderata kabilang na ang retiradong doktora na kapitbahay ni Lorenzo, ang binatang nagrarasyon ng tubig, ang lalaking nakasabay ni Lorenzo kumain ng hapunan, ang pulis na nag-iimbestiga sa kanyang pagkawala, at marami pang iba. Bawat isa ay may sariling karanasan kay Lorenzo at ang mga ito ay tumutulong sa lalong pagsisiwalat ng mga lihim at istorya ng mga tauhan sa kuwento.

Mga TAUHAN sa Ritwal[155]EditEdit

Ang mga pangunahing tauhan:
    • Diko/Jeriku - Ang bida ng kuwento, siya ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na lalaki. Siya ay may lihim na relasyon sa kanilang katulong sa bahay.
    • Omar - Ang bunso sa tatlong magkakapatid, siya ay nag-aaral sa isang Catholic school. Isang pilyong bata na may alam tungkol sa lihim na relasyon ni Diko sa kanilang katulong.
    • Noel - Ang katulong sa bahay at ang lihim na kasintahan ni Diko. Galing probinsya kaya't may nababakas na punto tuwing ito'y nagsasalita.
    • Kuya Ricky - Ang panganay sa tatlong magkakapatid na lalaki, may asawa't anak na kasamang nakatira sa kanilang bahay.
    • Papa - Ang ama ng magkakapatid.
    • Mama - Ang ina ng magkakapatid.

Mga tauhan sa dokumentaryo:

    • Father Paolo Samaniego - Ang baklang pari na nakakita sa aparisyon ni Kristo
    • Babette - Ang baklang parlorista na nakakita sa aparisyon ni Kristo
    • Victor Dimasalang - Ang commercial model na di-akalain ay bakla pala na may kaparehong karanasan
    • Melinda Carreon - Ang host ng dokumentaryo.
    • Emong - lalaking nakadamit pang-opisina na may kaparehong karanasan

Iba pang tauhan na nabanggit:

    • Ang asawa ni Kuya Ricky na siya ring hipag nila Diko at Omar.
    • Si Kirby, ang tatlong taong anak ni Kuya Ricky at ng kanyang asawa.
    • Si Father Reyes, ang school director nila Omar sa Catholic school.

BUOD ng Ritwal[156]EditEdit

: Ang "Ritwal" ay tungkol sa isang pamilya at ang mga pangyayaring nagaganap isang gabi habang nanonood sila ng mga programa sa telebisyon pagkatapos nilang maghapunan. Ang kuwento ay sinalaysay sa punto de vista ni Diko, isa sa tatlong magkakapatid na lalaki sa pamilya, na may lihim na relasyon sa kanilang katulong na si Noel. Habang nanonood ng mga paboritong telenovela sa kanilang paboritong istasyon, ibinida ni Diko ang pag-ere ng isang kontrobersyal na dokumentaryo tungkol sa aparisyon ni Kristo sa mga bakla. Inabangan at pinanood ito ng ilan sa mga miyembro ng pamilya. May apat na kuwento na kabilang sa dokumentaryo: isa ay tungkol sa pagpapakita ni Kristo sa isang paring bakla, sumunod ay ang aparisyon ni Kristo sa isang parloristang bakla, pagkatapos ay ang kaparehong karanasan ng isang commercial model na di-inakalang bakla pala, at pang-huli ay ang kuwento ng isang baklang nagtratrabaho sa opisina. Isa-isang nagsitulog ang bawat miyembro ng pamilya habang lumalalim ang gabi sa kakapanood ng dokumentaryo hanggang sa ang natira na lang sa sala ay si Diko at ang bunsong kapatid nito na si Omar. Sa komprontasyong ito ay inamin ni Omar na nahuli niya si Diko at ang kanilang katulong na si Noel na nagtatalik. Matapos magimbal sa sinabi ni Omar, mabilis na pinatay ni Diko ang telebisyon at nilisan ang sala patungo sa kanyang kwarto kung saan isang hindi inaasahang pang

Chuckberry J. Pascual[1]Edit[157]EditEdit

  • Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna.


  • Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School.


  • Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.


  • Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:


  • SHORT FICTION (2005-2010):
    • “Balita.” Philippine Studies volume 53 numbers 2-3. edited by Reyes, Soledad S. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2005.
    • Berde.” Likhaan 3: The Journal of Contemporary Philippine Literature. edited by Pantoja-Hidalgo, Cristina. Quezon City: UP Institute of Creative Writing, 2009.


  • CREATIVE NON-FICTION:
    • “Singkaw.” Likhaan 4: The Journal of Contemporary Philippine Literature. edited by Reyes, Jun Cruz. Quezon City: UP Institute of Creative Writing, 2010.


  • CRITICAL ESSAY (2008-2009):
    • “Pagmamapa ng Sinehan Bilang Espasyong Homoseksuwal sa Panitikang Bakla.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino volume 15 number 1-2. edited by Zafra, Galileo S. and Apolonio B. Chua. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 2009.
    • “Pagpasok sa Eksena: Ang Representasyon ng Loob ng Sinehan bilang Espasyong Homosexual sa Panitikan sa Dekada Nobenta.” Lagda: Journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. edited by Evasco, Eugene Y. and Will P. Ortiz. Quezon City: Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, 2008.
    • “Pagsulat sa kasaysayan: ang Rebolusyon at Digmaang Pilipino-Amerikano ayon sa mga liham nina Apolinario Mabini at Mariano Ponce.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino volume 14 number 2. edited by Zafra, Galileo S. and Apolonio B. Chua. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 2008.


  • Siya, kasama ang dalawa pang manunulat, ay sumulat at gumawa din ng isang dula na may pamagat na "Matyag" para sa ika-6 na Virgin Labfest, isang festival ng mga bago at hindi pa naitanghal na mga one-act plays na sinulat na parehong mga amateur at mga kilalang playwrights.

Retrieved from "http://tl.chuckberryjpascual.wikia.com/wiki/Mga_TAUHAN_sa_Berde"

Sila, at ang Gabi (tema)[158]EditEdit


    • Kurapsyon sa gobyerno – sa tingin ni Mang Ramon, ang totoong motibo ng pagpatay ng pulis sa kanyang tatlong anak (sa kabila ng “maling akala” nila na mga magnanakaw sila) ay dahil gusto nilang paalisin sila Mang Ramon sa kanilang lupa, dahil inaangkin daw ito ng subdivision owner. Makikita rito ang kawalan ng moralidad ng awtoridad, dahil sa ari-arian at kapangyarihan.
    • Pag-aasawa bilang pagkalaya o pagbibilanggo – nailarawan sa kwento na minsan ay gusto ni Monica magbagong-buhay, kasama na ang paghihiwalay sa asawa niyang si Frank. Ngunit nasabi rin niya na pinakasalan niya si Frank dahil ito ay nagpapadali sa buhay niya.
    • Pagtatalik bilang paglaya – Ang pagtatalik sa maikling kwentong ito ay naging paraan ng dalawang magkaibigan para i-comfort ang isa’t isa, at para bang makalaya sa kanilang mga problema sa buhay. (“At basang-basa ang katawan nila pero sa kaloob-looban ng kanyang sarili, may lumilinis at lumalaya at nagpapalaya…”

Sila, Isang Hapon (tema)[159]EditEdit


    • Pagiging romantiko – naipahiwatig sa kwento na ang pagiging labis na romantiko ay hindi kailangan sa pagtatalik pagkalipas ng mahabang panahon. Parang ito’y konsepto ng mga bata.
    • Pagtatalik bilang isang mekanikal na gawain – nailarawan sa kwento na dahil sa pagiging nakatakda, at kawalan ng passion, at pokus, parang nagiging malamig at mekanikal na lamang ang pagtatalik.
    • Pagtatalik bilang pagiging isang tao at pagkatao – nailarawan ni Nena na kung minsan ay nais niya, habang nakikipagtalik kay Frank, na maging isang buhay, isang tao na lamang sila – katawan, puso, at kaluluwa.

Lampin Para Kay Baby (tema)[160]EditEdit

*tadhana at pag-ibig - Pagkatapos ng hayskul, akala ni Danny ‘di na niya muli makikita si Nena, ngunit binigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng tadhana nang magkita sila muli sa Carriedo. Matagal na ang nakalipas, ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ni Danny, at inaantay lamang pala siya ni Nena.
    • maling akala - Kung nawalan na talaga ng lahat ng pag-asa si Danny dahil sa maling akala niyang may anak/asawa na si Nena, baka hindi na nila nalaman ang nararamdaman ng isa’t isa. Ngunit dahil rin sa maling akala na ito, nabigyan ng rason si Danny para makausap si Nena at napaamin din siya.
    • unang pag-ibig - si Nena ang unang pag-ibig ni Danny, at makikita sa kwento kung gaano kalakas ang tama nito kay Danny. Si Nena ang pumansin sa kanya kahit na sobrang tahimik ni Danny sa klase, at makalipas ang ilang taon, ang pagkatao ni Nena pa rin ang hinahanap-hanap ni Danny.

Sila, at ang Gabi (buod)[161]EditEdit

Dumating ang dalawang magkaibigan sa bahay ni Monica pagkatapos ng matagal na pagtatakbo. Napag-usapan nila ang pagiging bata, ang paglalaki at pagtatanda, at ang kasamang responsibilidad nito. Sa isipan ni Monica, nalarawan ang kanyang pagnanais ng bagong buhay, at baka kasama na doon ang paghihiwalay kay Frank. Nagpakwento rin si Monica kay Emil, at nakwento ng lalaki ang kadiliman sa kanyang nakaraan. May tatlong bata dati na nabaril at napatay ng pulis sa harap ng kanilang bahay, inakala daw ng pulis na mga magnanakaw. Ngunit sabi ni Mang Ramon, ang ama ng tatlong bata, pinatay sila dahil gusto silang paalisin mula sa kanilang lupa. Naibahagi ni Eric kay Monica ang sama ng loob niya sa nangyari, na pinapalala rin ng kanyang asawang si Ching, na walang ginawa kundi magmukmok, at 'di nakikipagtalik kay Eric. Pagkatapos magkwento ang napaiyak nang si Eric, nagtalik ang dalawa bilang posibleng paraan para i-comfort ang isa't isa.

Sila, Isang Hapon (Buod)[162]EditEdit

Dumating ang magkaibigang si Emil at Monica sa isang motel/hotel. Balak nilang magtalik, ngunit nararamdaman ni Monica na parang hindi kaya ni Emil, at paulit-ulit niyang tinatanong ito kung okay lang ba talaga. Habang naghahanda sila para sa nakatakdang gawain, nagkakaroon ng mga flashback sa Monica kung saan nalalarawan kung paano sila magtalik ni Frank, ang kanyang asawa. Napag-usapan din ni Monica ang nararamdaman niya tungkol kay Frank at kung ano ang tumatakbo sa isip niya kapag nagtatalik silang dalawa. Natanong din ni Monica kay Emil kung ganoon din ba sila ni Ching, ang asawa ni Emil. Sa huli ay nagsimula na rin sila Emil at Monica sa foreplay, ngunit napakalamig ng kaligiran, at nararamdaman ni Monica na parang mekanikal na lang ang kanilang ginagawa,

Lampin Para Kay Baby (buod)[163]EditEdit

Noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan, naging magkaklase sila Danny at Nena. Mahiyain si Danny noong una, ngunit naging magkaibigan na rin sila ni Nena pagkatapos siya tulungan ni Danny isang hapon. Mula noon, nahulog na ang puso ni Danny para kay Nena ngunit nilayuan siya ni Nena dahil sa panunukso ng kanilang mga kaklase. Dumating ang graduation ball, may sari-sariling dates ang dalawa, at nawalan na ng lakas ng loob si Danny na umamin kay Nena. Lumipas ang mga taon at hinahanap-hanap pa rin ni Danny si Nena, nang isang hapon ay nakasalubong ni Danny si Nena sa Carriedo, bumibili ng lampin para sa sanggol. Nakapanghihina man ng loob ang inakala ni Danny, ginusto pa rin niyang makita muli si Nena at nangyari ito sa tulong ni Nicanor, ang dati niyang kaklase at kapitbahay ni Nena. Nagkita si Danny at Nena sa isang parti, at umamin na sa wakas si Danny kay Nena. Makalipas ang tatlong araw, nakatanggap si Danny ng liham mula kay Nena kung saan nagpapaliwanag siya na wala siyang sanggol o asawa, at tinatanong kung bakit noon lang umamin si Danny.

Sino si Lualhati Bautista?[1]Edit[164]EditEdit

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards. Retrieved from "http://lualhatibautista.wikia.com/wiki/Lampin_Para_Kay_Baby_(buod)"Retrieved from "http://lualhatibautista.wikia.com/wiki/Sila,_at_ang_Gabi_(buod)"Retrieved from "http://lualhatibautista.wikia.com/wiki/Sila,_at_ang_Gabi_(tema)"

Mga Tema ng KUMINALPOS AN SILAOD[165]EditEdit

TEMA


Huwag husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo – Makikita ito kay Beatriz at sa bulag na pagtingin sa kanya ni Don Lope. Masyadong nahumaling si Don Lope sa kagandahan ni Beatriz kaya't hindi na niya ito pinagdudahan pa sa tunay na intensyon nito nang sinagot siya nito


Pagbabalatkayo - Makikita ito kay Beatriz. Ginamit niya ang kanyang utak at inutakan ni Don Lope dahil sa simula pa lamang ay wala siyang balak pakasalan ito at ang tanging habol lamang niya ay ang mailipat ang lahat ng kayamanan ng matanda sa kanyang pangalan

Buod ng KUMINALPOS AN SILAOD[166]EditEdit

BUOD


Isang napakagandang dalaga ni Beatriz Triumfante at lahat ng kabinataan ay nahuhumaling sa kanya kaya't ganun na lamang ang kabiguan ng mga ito ng kumalat na napa-oo na raw ng mayamang biyudo na si Don Lope ang dalaga. Madaming masasakit ang ikinabit sa pangalan ni Beatriz at labis itong pinagalala ng kanyang matalik na kaibigan na si Luz ngunit sinabi naman nito na may isang binata na walang sinabing masama laban sa kanya, si Polding. Napangiti na lamang si Beatriz at ang nasabi na lamang niya ay humanda ito sa sorpresa niya. Lumipas ang tatlong buwan at nailipat na lahat ng kayamanan ni Don Lope kay Beatriz at inanunsyo na rin and petsa ng kanilang pagiisang dibdib. Nabalitaan din nila na nagbukas ng isang malaking tindahan sa Maynila ang pobreng si Polding at pinagusapan kung paano ito nakakuha ngkapital. Makaraan ang isang linggo ng pag-anunsyo ng kanilang kasal ay halos masiraan ng bait si Don Lope dahil nawala na parang bula si Beatriz. Humingi siya ng tulong sa kaibigang Koronel at sinabi nito na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Lumuwas ng Maynila si Luz at naisipang dumaan sa tindahan ni Polding at laking gulat nito ng makita si Beatriz doon. Ngunit mas ikinagulat niya ang rebelasyon ni Beatriz na kasal na sila ni Polding at hindi na babalik sa kanilang probinsya.

Mga Tauhan ng KUMINALPOS AN SILAOD[167]EditEdit

TAUHAN

Beatriz Triumfante – Siya ang tinitingalang dalaga at kinikilalang pinakamaganda sa lahat. Matalino siya at isang praktikal na dalaga.


Luz – Ang kaibigang matalik ni Beatriz. Mabait at Maalalahanin.


Don Lope – Ang biyudong mayaman na nahulog ang loob kay Beatriz.


Polding – Ang binatang tunay na minamahal ni Beatriz. Isa siyang manunuat.


Koronel Caros – Ang kaibigan ni Don Lope na hiningan niya ng tulong sa oras na siya ay nangailangan ng suporta.

Mga Tema ng NASINGKOG (Natapilok)[168]EditEdit

TEMA

Mabilis na pagbigay sa Temptasyon – Makikita sa kuwentong ito na sinubok ang pagmamahalan nina Loleng at Binong nang magkahiwalay sila panandalian. Ngunit marahil ay hindi ito nakayanan ni Binong kaya't bumigay siya sa temptasyon sa katauhan ni Lucy.


Karma – Makikita rin siguro rito ang kahulugan ng karma. Dahil sa ginawang pagtraydor ni Binong kay Loleng ay nagantihan siya ng panahon.

Buod ng NASINGKOG (Natapilok)[169]EditEdit

BUOD

Tapat ang pagmamahalan nila Loleng at Binong. Ngunit kailangan nilang maglayo dahil pupunta si Binong sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Dahil isa siyang CPA ay madali itong nakakuha ng trabaho, sa isang restaurant sa Pasay na ang may-ari ay isang negro. Maayos pa ang takbo ng kanilang relasyo noong mga unang buwan, pinadadalhan niya pa ng regalo si Loleng. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang mahulog si Binong sa kasama niya sa trabaho, si Lucy. Sa sobrang pagkabulag niya kay Lucy ay ito ang pinakasalan niya at naiwang luhaan si Loleng. Subalit nakatagpo rin naman si Loleng ng isang binata na kahit mahirap ay mahal siyang tapat. Hindi napansin ni Binong na sa ika-2 buwan pa lamang ng pagbubuntis ni Lucy ay malaki na ang tiyan nito. Sa pagdating ng ika-anim na buwan ng pagdadalantao ni Lucy ay nanganak na ito. At laking gulat ni Binong ng ang lumabas na sanggol ay isang negro. Nasiraan ng bait si Binong at wala namang magawa si Loleng dahil siya ay may sarili na ring pamilya.

Mga Tauhan sa NASINGKOG (Natapilok)[170]EditEdit

TAUHAN

Loleng – Isang mapagmahal na dalaga. Tapat sa kanyang nobyo.


Binong – Isang binatang Certified Public Accountant. Natukso at sinira ang kanyang relasyon sa unang nobya.


Lucy – Kasamahan sa trabaho ni Binong sa Maynila. Siya ang babaeng kinahumalingan ni Binong


Turko – Isang sikat na gerilya sa Bikolandia noong panahon ng pakikidigma sa mga Hapones. Inihambing si Binong sa kanya.


Gurang Loloy – ang nagkukuwento ng tungkol kay Lucy at Binong

Mga Tema ng SULIAT[171]EditEdit

TEMA

Pagsunod sa mga magulang – Ipinakita sa kuwentong ito na mahalaga talaga ang bawat pangaral ng ating mga magulang dahil sila ang nakakaalam ng mga bagay na ikabubuti natin.

Pagmamahal ng pamilya – Ipinakita rito ang sobrang pagmamahal ni Tiyang Laureana at ng 3 pang kapatid ni Cory sa kanya na sa kabila ng kanyang ugali ay iniintindi na lamang siya ng mga ito

Buod ng SULIAT[172]EditEdit

BUOD

Apat na babae ang anak ni Tiyang Laureana, at ang isa sa kanila, si Cory na siyang bunso ay isang suliat na anak. Mabait si Tiyang Laureana at ang tatlo niyang mga kapatid, bagay na kabaligtaran naman sa ugali ni Cory. Masyadong iba ang ugali ni Cory kung kaya't maraming lihim na galit sa kanya at dahil din dito ay pinatalsik siya sa eskuwelahan noong siya ay Grade 1 pa lamang kung kaya't hindi siya natutong magbasa at magsulat. Sa sentro ng bayan ng Polangue ay mayroong tindahan ang pamilya ni Tiyang Laureana, ngunit kahit kailan ay hindi tumulong si Cory. Nagkakilala si Cory at ang mestisong binata nang dumating ang mga artista sa kanilang lugar at madaling nakapagpalagayang loob. Nagpakasal sila at tumira sa Maynila ngunit natuklasan ni Cory na nagnakaw si Adolfo kaya't ito ay ikinulong at si Cory ay pinatalsik sa kanilang tinutuluyan. Huli na ng siya ay magsisi at dito lamang niya naalala ang mga pangaral sa kanya ng kanyang mahal na ina.

Mga Tauhan sa SULIAT[173]EditEdit

TAUHAN

Tiyang Laureana - Siya ay isang balo at may apat na anak, mapagmahal at mabait na ina sa kanyang mga anak.


Matilde – Ang panganay na anak ni Tiyang Laureana. Maunawain at Pasensyosong ate.


Consolacion – Anak ni Tiyang Laureana.


Veronica – Anak ni Tiyang Laureana.


Cory – Ang bunso sa apat na magkakapatid. Isang barumbado at walang galang sa magulang at mga kapatid. Siya ay hindi marunong magbasa at magsulat.


Adolfo – Ang mestisong binata na nagpatibok ng puso ni Cory.

Biograpiya ng Awtor[174]EditEdit

Ana T. Calixto

Si Ana T. Calixto ay isang manunulat na galing sa Bicol. Ngunit wala pa rin talagang nakapagpapatunay ng totoo at tunay na katauhan ni Ana T. Calixto. Naglabas sa Bicol noong Agosto 1950 ng isang pahayagan, ang “Bikolana” at tampok dito ang labinwalong orosipon sa pangalan ni Ana T. Calixto. Nakakuha pa ulit ng mga orosipon sa ilalim ng pangalan ni Calixto sa pahayagang Bicolandia taong 1956. Sa isang gawa ni Calixto, ang Maimon ay may nakasulat sa likod nito na si Calixto raw ay nanirahan ng matagal sa Bacacay, Albay. Ngunit nang tangkaing hanapin ang kanyang rehistro sa bayan na ito ng Albay ay wala silang nakitang bakas ni Calixto. Sinubukan nilang halughugin ang bawat files na maaaring maglaman ng mga personal na impormasyon tungkol sa pagkatao ni Calixto ngunit sila ay nabigo. Hanggang ngayon ay isang misteryo pa rin ang pagkatao ni Ana T. Calixto. Ang isang sagot naman ayon sa aking napagalaman ay dahil daw ang literatura noon na ginawa sa labas ng sentrong politikal ng ating bansa at hindi nakapasa sa mga pamantayan ay hindi naikaklasipika sa pagiging lehitimong “literatura”. Mananatili ito sa anino ng “Tagalog“ dahil ang lahat ng literatura na naisulat noon sa ibang wika maliban sa Tagalog ay hindi nakakasama. Retrieved from "http://anatcalixto.wikia.com/wiki/Mga_Tauhan_sa_NASINGKOG_(Natapilok)"

Mga Tema sa Ganti[175]EditEdit

*Epekto ng pagkakaiba ng katayuan sa lipunan
  • Ito ang isang naging balakid sa pagmamahalan ni Ernesto at Melania. Dahil sa kanilang katayuan sa lipunan, parehong nahusgahan ang kanilang pagkatao.
    • Nasayang na pagkakataon
    Nang tumanggi si Ernesto sa plano ni Melania, ito ang isa pang dahil ng permanente nilang pagkakalayo. Makaraan ang isang taon, sa kabila ng pagkamatay ng asawa ni Melania, hindi pa rin siya tinanggap nito.
    • Katapangan ng kababaihan
    Nang pumanaw si Leonardo, iniwan nito ang kanyang asawa at ang kanyang anak. Ngunit sa kabila nito, naging matapang pa rin si Melania. Hindi niya tinanggap si Ernesto kahit ito ang panahon na kailangan niya ng katuwang sa buhay.
    =Mga Tauhan sa Ganti=
:*Melania San Jose
  • Isang matapang na babae si Melania. Kaya niyang isuko at talikuran ang lahat makapiling lamang ang lalaking kanyang minamahal.
    • ErnestoSi Ernesto ang kasintahan ni Melania. Isa siyang duwag dahil hindi niya nagawang ituloy ang plano nila ni Melania. Kahit para sa ikabubuti ng dalawa ang kanyang desisyon, binigo niya pa rin si Melania.
    • Don Anselmo San Jose
  • Si Don Anselmo ang ama ni Melania. Mapagmaliit siyang tao. Hindi niya tinanggap so Ernesto para sa knayang anak dahil lang sa kahirapan nito.
    • Leonardo Damaso
  • Si Leonardo Damaso ang lalaking itinakdang ipakasal kay Melania. Sa kasawiang palad, makalipas ang isang taon ng kanyang kasal, siya ay pumanaw.
    • Don Alejandro Damaso
  • Si Don Alejandro ang matalik na kaibigan ni Don Anselmo. Siya ang ama ni Leonardo.
    =Buod ng Ganti=
Ipinakilala ang dalawang taong nag-iibigan na si Melania at Ernesto. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay pinigilan ng ama ni Melania. Magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Si Melania ay isang anak ng mayaman at maimpluwensiyang tao at si Ernesto naman ay karaniwang kawani lamang. Upang hadlangan ang kanilang pagmamahalan, ipinagkasundo si Melania ng kanyang ama sa ibang lalaki. Tumutol si Melania at pilit na ipinaglaban ang pagmamahalan nila ni Ernesto. Nagplano siyang makipagtanan kasama nito. Tumanggi si Ernesto. Dahil dito, natuloy ang kasal sa pagitan ni Melania at Leonardo, ang anak ng matalik na kaibigan ng ama ni Melania. Makalipas ang isang taon, nabalitaang namatay si Leonardo. Nakiramay si Ernesto. Para sa kanya, ito na ang pagkakataon upang makapiling niya muli si Melania. Ngunit gaya ng nakaraan, si Melania naman ang tumanggi. Umuwing luhaan si Ernesto.

Mga Tema sa Lorna[176]EditEdit

::*Hindi inaasahang pagbubuntis
  • Naipakita sa teksto na kahit anong pag-iingat ang gawin habang nagtatalik ay hindi pa rin maiiwasan ang pagdadalang-tao ng babae. Naging tama ang desisyon ni Lorna na kahit mag-isa lamang siya, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbubuntis.
    • Responsabilidad
  • Naging huwaran si Lorna at Edward sa pag-ako ng kanilang mga responsabilidad. Pareho nilang hindi tinakasan ang mga naging dulot ng kanilang pagtatalik.
    • Kamusmusan
  • Si Net ang simbolo ng kamusmusan sa akdang ito. Bilang isang bata, hindi isa sa mga naging takot niya ang pakikipag-usap sa mga taong hindi niya kilala.
    =Mga Tauhan sa Lorna=
:::*Lorna
  • Si Lorna ay isang babaeng nagtatrabaho sa naitklab. Sa kabila nito, itinuturing niyang isang propesyon ang kanyang trabaho. Sa trabaho niya ring ito nakilala ang lalaking magpapaibig sa kanya. Isang matapang na babae si Lorna. Kahit mag-isa lamang siya, nakaya niyang itaguyod ang kaniyang anak.
    • Edward Marrow
  • Si Edward Marrow ay nagsisilbi sa ilalim ng Air Force ng Estados Unidos. Amerikano ang kanyang ama at Pilipino naman ang kanyang ina. Nang binigyan siya ng bakasyon, napili niyang mamalagi sa Pilipinas. Isang tapat na tao si Edward Marrow. Mapag-biro rin siya at magaan kasama. Ito ang mga ugaling nakahalina kay Lorna.
    • Net
  • Si Net ang naging bunga ng pagmamahalan ni Edward at Lorna. Makulit at masayahing bata si Net.
    =Buod ng Lorna=
Gumamit ng isang literary device ang kuwento na tinatawag na flashback. Ang akdang Lorna ay tungkol sa isang babaeng nagtatrabaho sa isang naitklab. Dahil sa kanyang gawain, nagkubli siya sa pangalang Lorna. Isang gabi, nakilala niya ang isang lalaking mestiso na nagngangalang Edward Darrow. Nagkamabutihan ang dalawa. Sa kasamaang palad, bahagi si Edward ng Air Force. Isang buwan lamang ang ibinigay na bakasyon sa kanya. Ipinagpilit ng dalawa sa loob ng maikling panahon na iyon ang kanilang pagsasama. Nakabuo sila ng masasayang alaala. Nang matapos ang isang buwan, labag man sa kalooban ni Edward, kinailangang umalis na siya ng Pilipinas. Pagkaraan ng ilang araw, napag-alaman ni Lorna na siya ay nagdadalang-tao. Ang pagbubuntis ni Lorna ay naging hudyat ng pagbabago ng kanyang buhay. Umalis siya sa klab at nagtayo ng isang pakulutan gamit ang kanyang ipon. Dumaan ang anim na taon at naging matagumpay na parlor ang kanyang maliit na pakulutan. Hindi inaasahan ni Lorna na kasama sa paglipas ng anim na taon na iyon, ay makikita niyang muli ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Nagkita muli sila ni Edward. Nalaman niyang hinanap pala siya nito sa loob ng matagal na panahon. Sa pagbabalik ni Edward, nabuo ang kanilang pamilya.

Mga Tema sa Nangangailangan: Mekaniko[177]EditEdit

::::*Pagbabago ng Panahon
  • Mula pa sa pagkakalimbag ng kuwentong ito noong 1998, naipapakita na ang pagbabago ng panahon sa pamamagitan ng uri ng trabaho. Mula sa akda, napatunayan lamang ni Lena na ang pagiging mekaniko ay layang-kaya ng isang babae.
    • Diskriminasyon
  • Dahil sa pagiging babae ni Lena, nagkaroon ng pagaalinlangan si Delfin. Pinagtawanan niya ang ideya na kaya ni Lena, isang babae, ang pagiging isang mahusay na mekaniko. Ito ay isa sa mga dahilan ng kanilang hindi pagkakasunduan.
    • Pinagmulan ng Pag-iibigan
  • Isang patunay lamang ang akdang ito na ang pag-iibigan o pagkakamabutihan ay nagmumula kahit sa anong sitwasyon. Si Lena at Delfin ay hindi nagkasundo sa kanilang mga unang pagkikita. Ngunit sa sandaling pagtatagpo, naging daan na ito upang magkaroon sila ng pagkakataon upang makilala ang isa't isa ng lubusan.
    =Mga Tauhan sa Nangangailangan: Mekaniko=
:::::*Lena
  • Si Lena ang anak ng may-ari ng Sales and Sales. Ito ay isang talyer kung saan ipinagagawa ang iba't ibang elektrikal na kagamitan. Siya ang namamahala ng talyer sa araw na matatanggap niya ang tawag mula kay Delfin Rojas. Isa ring mahusay na mekaniko si Lena.
    • Delfin Rojas
  • Si Delfin Rojas ang tumawag sa talyer ng Sales and Sales upang ipaayos ang kanyang air-conditioner. Naipakitang mayabang siya at mapag-maliit. Ito ay ang mga ugaling kinainisan ni Lena. Ngunit nang kalaunan, nang mapahiya siya, tinanggap niya ang kanyang pagkakamali.
    • Ama ni Lena
  • Hindi man ipinakilala ng lubusan ang ama ni Lena, masasabi na isa siyang maalalahanin at mapagmahal na magulang. Ibinilin niya na hindi dapat magpunta sa bahay ng nagpapakumpuni si Lena.
    • Katulong ng mga Rojas
  • Siya ang nagpapasok kay Lena sa bahay ng mga Rojas. Nang malaman kung ano ang tunay na sira ng air-conditioner, siya ang kumuha ng panibagong plug para rito.
    • Senyorita
  • Siya ang ina ni Delfin Rojas. Ipinakilala lang siya na nagpunta sa ibang bansa upang dalawin ang kapatid ni Delfin.
    =Buod ng Nangangailangan: Mekaniko=
Abala ang lahat nang tumawag ang isang ginoong nagngangalang Delfin Rojas. Si Lena, ang namamahala sa isang electrical repair shop, ang nakasagot ng telelepono. Pangalawang beses na ito at base sa tono ng pananalita nito, halatang galit na ang ginoo. Nagrereklamo ito dahil matagal na panahon na ang nagdaan ay wala pa ring pumupunta sa bahay niya upang ayusin ang kanyang air-conditioner. Walang magawa si Lena. Mga taga-ayos lamang ng refrigerator ang mga mekaniko sa kanyang talyer. Hindi niya kayang ipagkatiwala ang trabaho sa kanila dahil wala silang sapat na kaalaman ukol sa mga air-conditioner. Dahil dito, napag-isipan niyang siya nalang mismo ang magpunta sa bahay ni Mister Rojas. Nagpalit siya ng damit panggawa. Nang makarating siya sa bahay ng ginoo, sinalubong siya ng katulong nito. Nagdalawang-isip si Lena dahil wala ang senyorita sa bahay at dalawang lalaki lamang ang nasa loob nito. Gayunpaman, ikinubli niya ang pangamba at nagtuloy sa bahay. Sinamahan ng katulong si Lena patungo sa kuwarto na kinalalagyan ng sirang air-conditioner. Makaraan ang ilang sandali, nagharap si Lena at si Mister Rojas. Hindi inaasahan ni Lena na halos kasing-edad lamang pala niya ang ginoo. Nang makita ng ginoo si Lena, nagulat siya dahil hindi niya inaasahang babae ang magkukumpuni ng kanyang air-conditioner. Nagtalo ang dalawa. Sa kabila ng pagka-inis ni Lena dahil sa pagmamaliit ni Delfin Rojas, nagpatuloy pa rin siya sa pag-aayos ng air-conditioner. Pinatunayan niya ang kanyang kakayanan. Napag-alaman niya na plug pala ng air-con ang dahilan kung bakit ayaw guamana nito. Nahiya si Delfin Rojas sa kanyang naging unang reaksyon. Namangha siya sa kakayahan ni Lena. Ipinagkibit-balikat lamang ito ni Lena. Masaya siyang umalis sa bahay ng ginoo dahil napatunayan niya ang kanyang sarili. Pagkaraan ng ilang sandali, nang makabalik na siya sa talyer, isang pamilyar na sasakyan ang nakita niya sa labas ng kanyang opisina. Ang nagmamay-ari nito ay si Delfin Rojas. Nakita ni Lena na kinausap nito ang isa sa mga mekaniko. Pagpasok sa opisina, kasama si Delfin, sinabi ng mekaniko na hinahanap nito ang isang mekanikong babae na nagtatrabaho sa kanila. Dahil nagpalit na ng kasuotan si Lena, hindi siya nakilala ni Delfin. Nang nakalabas na ang mekaniko, humarap si Lena sa ginoo. Gulat at saya ang nakita sa mukha ni Delfin. Namula si Lena dahil sa pagkaka-titig sa kanya ng lalaki. Ngumiti sila sa isa't isa.

Kilalanin si Liwayway Arceo[178]EditEdit

Si Liwayway A. Arceo ay isang kilalang manunulat, editor at scriptwriter para sa radyo. Ayon sa isang kritikong nag-aral ukol sa panahon ng dekada kwarenta, feminista na ang turing kay Liwayway Arceo. Ito ay bago pa man mauso ang katagang feminista.

Si Arceo ang may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng Cabal de la Reina (1985) at Titser (1995). Ipinalimbag rin ang iba't ibang koleksyon ng maikling kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), at ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Halos lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas.

Bukod sa pagiging isang manunulat, ipinakita rin ni Arceo ang kanyang husay bilang isang aktres. Ipinamalas niya ito sa isang Hapon at Pilipinong pelikula na pinamagatang Tatlong Maria.

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Tagalog (1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993); isang Doctorate sa Humane Letters, honoris causa, mula sa University of the Philippines (1991); ang Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers (1990), at angGawad Balagtas Life Achievement Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines or UMPIL) noong 1998.

Sa kabila ng pagpanaw niya noong ika-anim ng Disyembre sa taon ng 1999, patuloy pa rin ang paglilimbag sa kanyang mga akda. Ang kanyang mga isinulat ay ang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga mambabasa. Retrieved from "http://tl.liwaywayarceo.wikia.com/wiki/Mga_Tauhan_sa_Nangangailangan:_Mekaniko"


Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Juan_Ekis"Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Genoveva_Edroza-Matute"=[179]Edit= Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Nonnon_Villaluz_Carandang" Ikinuha mula sa "http://tl.panitikan.wikia.com/wiki/Joaquin_Torres_III"

Around Wikia's network

Random Wiki